• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsisimula ng Villar TV Network, matatagalan pa: WILLIE, labis-labis ang pasasalamat dahil nag-negative sa cancer

LABIS-LABIS ang pasasalamat ng game show host na si Willie Revillame nang ipaalam na niya last Monday, March 28, ang result ng tests para ma-detect if he has cancer.  

 

 

Ikinagulat daw niya na after two years na hindi siya nakapagpa-executive check-up, because of the pandemic, may nakitang polyps sa kanyang katawan.

 

 

Sa kanyang YouTube channel, Willie told netizens that his doctors at St. Luke’s Medical Center Global City called him and informed him about the final results of his annual medical tests.

 

 

“Willie! Kumusta ka? Sobra kang magdasal. Good news! Negative ka sa cancer,” At naisagot daw lamang niya ay, “Thank you Lord!”

 

 

“Kaya I encouraged everyone na magpa-medical check-up every year, just to make sure you are healthy and fit,” dagdag pa ni Willie.  “Kaya salamat sa lahat ng nagdasal para sa akin na wala akong cancer.”

 

 

Sa ngayon ay nag-sign ng contract si Willie sa IPTV Network, habang hinihintay niya ang pagsisimula nila sa Villar TV Network.

 

 

Malabo pa raw kasi nilang masimulan ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) dahil nahihirapan silang makakuha ng mga talents para sa full day of programming, wala pa rin silang basic network infrastructure like transmitters and studios.

 

 

Hindi na rin daw nila pwedeng mabili ang old frequencies ng ABS-CBN dahil naibenta na ito sa TV5 at Globe.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Heart, patuloy ang pamimigay ng libreng tablets sa mga kabataan

    SA pamamagitan ng Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naa- abutan ng tulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.   Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo […]

  • Ads February 28, 2024

  • Rondina, Gonzaga kampeon sa World Tour

    NASUNGKIT  nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang gintong medalya sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures na gina­nap sa Subic Bay Sand Court sa Subic.     Naisakatuparan ito nina Rondina at Gonzaga matapos pataubin sina Gen Eslapor at Dij Rodriguez sa bendisyon ng 22-24, 21-12, 15-12 come-from-behind win sa all-Filipino championship match.   […]