Pagsusuot ng face mask at face shield, required na
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
REQUIRED na ngayon ang mga mamamayang Filipino na magsuot ng face masks at face shields kahit saan man sila magpunta o sa oras na lumabas na sila ng kanilang bahay.
Layon kasi ng pamahalaan na pabagalin ang pagkalat ng COVID-19 ngayong holiday season.
Ang anunsyong ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos magpulong ang policy-making Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF ang “mandatory” na pagsuot ng full-coverage face shield at face mask sa publiko sa tuwing lalabas ng kanilang mga bahay. Ito’y para maiwasan ang hawaan ng Covid-19.
Matatandaang, ang ni-require lamang ng pamahalaan ay ang pagsusuot ng face shields sa loob ng establisimyento.
Samantala, hinikayat ng OCTA Research ang national at local governments na magtulungan para malimitahan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagpapataas ng “testing, contact tracing, isolation and quarantine,” at implementasyon ng “small, targeted lockdowns para ma contain ang “super-spreading events” sa komunidad.
Umapela rin ito sa publiko na iwasan ang matatao at enclosed areas at umiwas sa pagsali o pag-organisa ng social gatherings ngayong Christmas season. (Daris Jose)
-
Ads April 27, 2021
-
Bukod sa ‘di matatawaran ang pagtulong sa mga OFWs: ARNELL, naglunsad ng health and wellness campaign para sa OWWA employees
GRABE at hindi talaga matatawaran ang dedikasyon at concern ng Executive Director Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), na kapag nagkakaroon ng problema at agad siyang gumagawa ng solusyon, katulad na lang ng bagong kaso ng isa nating kababayan sa Kuwait na patuloy nilang […]
-
Pinas, inalis na ang negative COVID test requirement para sa inbound travelers
HINDI na kailangan pang magpakita ang lahat ng fully-vaccinated inbound travelers ng pre-departure COVID-19 negative test sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Ayon sa Department of Tourism (DOT), nauna nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for COVID-19 response ang pagbasura sa travel requirement. Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for […]