• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTAAS NG KASO NG COVID-19, HINDI SECOND WAVE SA PINAS

HINDI  pa rin  maituturing na ‘second wave’ ang nararanasang panibagong pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve, ayon sa World Health Organization (WHO).

 

 

Sa virtual  Kapihan session ng Department of Health (DOH)  sinabi ito ni  WHO Philippine representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung saan hindi aniya nangyari ang pagbaba sa  National Capital Region (NCR) kung saan naitala ang pagtaas ng impeksyon kada linggo .

 

 

Sa datos ng DOH, nakita ang biglaang pagtaas ng kaso  ng dalawang linggo sa mahigit  na 40 percent kada linggo.

 

 

Ito ay naobserbahan sa Quezon City, Makati, Taguig, Parañaque, Caloocan, at Mandaluyong.

 

 

“We always knew that there was quite a big chain of transmission although the numbers went down at some stage to 300-400 on a daily basis,”  pahayag ni Abeyasinghe

 

 

Dagdag pa nito na ang nasabing numero ay  sumasalamin pa rin ng makabuluhang antas ng transmission sa pamayanan.

 

 

“So, it would rather be another spike in the ongoing wave. There’s actually no value in classifying it as a second wave,” paliwanag pa ng WHO official .

 

 

Binigyang diin niya na sa loob ng ilang  buwan, naobserbahan ang “community level transmission” ng Covid-19 virus sa NCR, Region 3 at Region 4A.

 

 

Gayunpaman, kumpara sa  6,000 na mga kaso na naitala noong nakaraang taon, ang higit sa 3,000 na impeksyon na naitala araw-araw sa nakaraang apat na araw ay makabuluhang mas mababa.

 

 

Una nang inihayag ng UP-OCTA Research team na  ang paglobo ng kaso ngayon ay maaring dahil sa mga pumasok na variant sa bansa. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS

    Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic.   Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain.   Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent […]

  • Haponesa sasawatain si Saso

    KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga.   Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) […]

  • 2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN

    TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City.     Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit […]