• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtatalaga ni PDu30 sa mga dating military officials sa cabinet posts, walang masama-Sec. Roque

WALANG masama kung magdesisyon man si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtalaga ng mga retiradong military officers sa Cabinet posts.

 

Kung tutuusin ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay naipapakita ng mga ex-military officials ang kanilang disiplina sa gabinete.

 

“Wala namang masama roon. Tignan mo naman si General Galvez, iyong discipline niya as a military official, nagagamit nita sa procurement ng COVID-19 vaccines.  I don’t think he (President Duterte) made a mistake,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tinukoy ni Sec. Roque si vaccine czar Carlito Galvez Jr., dating military chief na itinalaga bilang vaccine czar ni Pangulong Duterte.

 

Bukod dito, ang mga dating military officials ay maaasahan.

 

“I see how they work, at iba iyong disiplina and diligence hanggang magawa nila ang order ni Presidente, and that matters in public administration,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Itinanggi naman nito na sa pagkuha ng mga dating military officials ay nako-kompromiso ang kalidad ng pagse-serbisyo at naiiwan sa ahensiya sa ilalim ng liderato ng taong walang kasanayan.

 

“Hindi po. In a matter of expertise, doktor ang Secretary of Health, ekonomista ang nasa NEDA, malawak ang karanasan sa private sector ng DTI Secretary, at hindi sundalo ang DFA Secretary,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“But when it comes to efficiency in government, tiwala siya sa mga dating militar in implementing his orders,” dagag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, maliban kay Galvez, ang iba pang retired military officials na naglilingkod at kabailang sa gabinete ng Pangulo ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana,  Environment Secretary Roy Cimatu, Housing Secretary Eduardo del Rosario, Director General Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority, Customs Bureau chief Rey Guerrero at Secretary Rolando Bautista ng Department of Social Welfare and Development. (Daris Jose)

Other News
  • PANUKALA ng NEDA na gawing polisiya ang 4 day work week

    MALAKI ang posibilidad na malaman sa darating na Lunes, Marso 21 ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa naging panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 4 day work week at work from home set up.     Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag […]

  • Paghina ng piso vs dolyar malaking epekto sa presyuhan ng oil products – DOE

    MULING  binigyang diin ng Department of Energy (DOE) na nakatali ang kamay ng gobyerno at walang magawa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo.     Ginawa ni Atty Rino Abad, director ng Department of Energy-Oil Management Bureau, ang paliwanag sa Bombo Radyo dahil sa nakaamba na namang pagtaas sa […]

  • CAMPAIGN PERIOD, NAGSIMULA NA

    SIMULA na ang unang araw ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahapon Okt.19 na tatagal hanggang  Okt.28     Ayon sa Commission on Elections (Comelec) , mayroong  1,414,487 aspirants ang inaasahang magsisimula nang mangampanya ngayong araw,Huwebes .     Kabilang dito ang 96,962 kandidato sa pagka-barangay captain; 731,682 para sa […]