Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos
- Published on July 4, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito.
Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Senate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa pananalapi ng bansa.
Binanggit din ni Marcos na kinikilala niya ang layunin ng panukala na palakasin ang lokal na ekonomiya pero mayroon itong probisyon na magdudulot ng “substantial fiscal risks” sa bansa at sasalungat sa mandato at awtoridad ng ibang ahensya.
“While the administration recognizes the objective of the proposed measure to accelerate economic growth in its locality, I cannot support the bill considering the provisions that pose substantial fiscal risks to the country and its infringement on the conflict with other agencies’ mandates and authorities” ani Marcos.
Kabilang sa nakitang butas ni Marcos sa enrolled bill ay ang kawalan ng audit provisions para sa Commission on Audit. (Daris Jose)
-
SHAKE HANDS SA EVACUATION CENTERS, IWASAN
IWASAN ang physical close contact tulad ng shake hands o paghawak ng kamay at pagyakap sa mga evacuation centers. Ito ay paalala ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees at mga opisyal na bumibisita sa mga evacuation centers. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maaring nasasabik na ang mga residente at gustong […]
-
WBA nag-sorry, ‘Champion for Life’ award igagawad kay Pacquiao
Humingi na nang paumanhin ang World Boxing Association (WBA) kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos na bawiin ang kaniyang boxing belt dahil sa hindi pagiging aktibo sa boxing. Sinabi ni WBA President Gilbert Mendoz na nagkaroon lamang sila ng kalituhan tungkol sa “super” WBA welterweight title. Kasabay din nito ay […]
-
“Unilaterally terminate” ang kasunduan sa UP, suportado ni PDu30
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na “unilaterally terminate” ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na may kinalaman sa pagpasok ng state forces sa nasabing campus. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinatigan ni Pangulong Duterte ang nasabing desisyon dahil “alter ego” ng […]