• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paiiraling sistema para sa PBA nakabitin pa ngayon – Marcial

WALA pangpasya ang Philippine Basketball Association (PBA) kung anong paraan sa torneo ang paiiralin para sa ika-46 na edisyon ngayong 2021 simula sa Philippine Cup sa Abril 9.

 

 

Nabatid kahapon professional cage league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, na pagbabatayan pa ng PBA Board of Governors o team owners reperesentative ang magiging diskarte sa Covid-19 sa bansa sa mga  susunod na buwan sa bubble, semi-bubble o closed circuit.

 

 

Unang Gawain ng unang Asia’y play-for-pay hoop ang virtual 36th PBA Rookie Draft 2021 .

 

 

“Hindi pa napag-uusapan (ng Board) ang system,” bigkas ni Marcial. “Tingnan natin by March o April.”

 

 

Ihininto ang nakaraang season 45 noong Marso 11 nang nakakaisang laro pa lang ng Mar. 8.

 

 

Pero naisalba pa rin ang Philippine Cup sa itinayong bubble sa Clark, Angeles, Pampanga noong Oktubre-Disyembre.

 

 

Sa Quest Hotel sa Clark Freeport patungong Angeles University Foundation Gym sa kalapit na Angeles City lang ang biyahe paroo’t parito ng mga manlalaro at mga opisyal. Pagkaraan ng praktis at laro, balik na ulit ng hotel ang mga player. (REC)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 28) Story by Geraldine Monzon

    SA MAPAGKALINGANG kandungan ni Lola Corazon, sa gitna ng mga magaganda at namumukadkad na mga bulaklak ng hardin, ay namaalam si Janine.   Sa Bela’s restaurant. Nabitawan ni Angela ang basong hawak niya at nabasag.   “Diyos ko…sana naman ay wala itong masamang ibig sabihin.” Naisip niya.   Dadamputin sana niya ang basag na baso […]

  • Two years nang kasal kaya sinusubukan na: DEREK, inaming excited na sila ni ELLEN na magka-anak

    INAMIN ni Derek Ramsay na excited na sila ni Ellen Adarna na magkaroon ng anak. Pareho silang may anak sa dati nilang karelasyon; nineteen years year old na si Austin na anak ni Derek sa dati niyang asawa na si Christine Jolly at five years old naman si Elias Modesto na anak nina Ellen at […]

  • Fernando, nagbigay ng direktiba sa PTF na paigtingin ang PDITR Strategy upang maghanda sa COVID Delta variant

    LUNGSOD NG MALOLOS- Kahit wala pang naiuulat na kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan, ipinag-utos ni Gobernador Daniel R. Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong […]