• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palasyo ng Malacañang, bukas na sa publiko

BINUKSAN  na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang Malacañang na anya’y hindi niya bahay kundi ng mga mamamayan.

 

 

Sa talumpati ni Marcos sa isinagawang pamimigay ng regalo sa Rizal Park, Maynila, muling ­inanyayahan ni Marcos ang publiko na bisitahin ang Malacañang at lahat ay maaaring pumasok.

 

 

“Welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo. Hindi ko naman bahay ‘yan eh, bahay niyo ‘yan eh. Kaya binuksan ko na,” ani Marcos.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na maaari ng mag-istambay sa Malacañang na binubuksan ng alas-7 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan.

 

 

“Aanyayahan ko rin pala kayo binuksan namin ang Palasyo, ang Malacañang para ‘yung mga nag-aantay mag-Simbang Gabi pwede mag-standby muna doon sa amin…So nakabukas mula alas-siyete ng gabi, hanggang mga 4:30 ‘pag Simbang Gabi na. So dalhin ninyo doon, basta’t makita naman ninyo ‘yung Palasyo,” ani Marcos.

 

 

Tiniyak din ni Marcos na masisiyahan ang mga bata na magpupunta sa Palasyo dahil sa mala­king Christmas tree at sa inihanda nilang pagkain.

 

 

Sa huli ay hinikayat ni Marcos ang lahat na maghanap ng panahon para magsaya at ilaan ang Pasko sa pamilya. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, target bakunahan ang 15M sa 3-day nat’l vaccination drive

    TARGET ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Filipino sa isasagawang three-day national Covid-19 vaccination program na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan” Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.   Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) against Covid-19 sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama […]

  • Sinasabay sa taping ng series na ‘The Bagman’: JUDY ANN, hands-on sa pag-aasikaso ng kantina nila ni RYAN

    NAGBAGONG-BIHIS ang Angrydobo sa Taft Avenue na pag-aari ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.       May pangalang Cantina Angrydobo, isa na itong high-end pero mura na carinderia o canteen na natatagpuan sa loob ng mga eskuwelahan.         At dahil nasa harap lamang ito ng De La Salle University, […]

  • PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia

    Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito.   Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights.   Ang passenger […]