• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa

Naghahanap pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China.

 

 

 

Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas.

 

 

 

Ating maaala na hindi na tinuloy ng pamahalaan ang financing application ng tatlong proyekto sa railways na may kabuohang gastos na P276 billion subalit bukas pa rin ito sa renegotiation.

 

 

 

“With the project’s staggering cost, the government may consider official development assistance or public-private partnership to put the projects back on track,” wika ni President Ferdinand Marcos, Jr.

 

 

 

Gusto ng China na mag charge na three percent para sa interest rate kung saan sinabi ng pamahalaan na masyadong mataas ito. Ang Japan naman ay nagpapatong lamang ng P0.1 percent para sa interest rate.

 

 

 

Ayon naman kay DOF undersecretary Mark Dennis Joven na kanilang pinagaaralan ang mga issues tungkol sa project cost laban sa financing cost.

 

Isa sa mga proyekto sa railways ay ang P142 billion na PNR Bicol o ang tinatawag na South Long Haul na siyang magdudugtong sa Laguna at Albay.

 

 

 

Ang nasabing PNR Bicol project ay mayron pitong (7) contract packages, apat (4) para sa civil works, dalawa (2) sa trains at isa sa project management consultancy. Ayon kay Joven na humihingi sila ng two percent fixed rate para sa kontrata ng management consultancy.

 

 

 

“We are pursuing talks with the Chinese for the remaining six contract packages, with China indicating a rate of at least equal to the marginal funding cost of China Eximbank, which is currently around three percent,” saad ni Joven.

 

 

 

Maliban sa PNR South Long-Haul project, kasama rin ang dalawa pa na proyekto sa railways. Ito ay ang Subic-Clark Railway at Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project (MRP).

 

 

 

Ang kontrata para sa P142 billion PNR South Long-Haul Project o Bicol Express ay binigay sa joint venture ng China Railway Group Ltd., China Railway No.3  Engineering Group Co. Ltd. At China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd noong nakaraang January.

 

 

 

Samantalang ang P51 billion Subic-Clark Railway Project ay binigay sa China Harbour Engineering Co. noong December 2020.

 

 

 

Ang P83 billion Tagum-Davao-Digos segment ng MRP ay nahinto na rin matapos ang China ay mabigong magbigay ng listahan ng mga contractors para sa design-build contract. LASACMAR

Other News
  • Bulkang Kanlaon, patuloy na nagbubuga ng mas mataas na usok

    Patuloy na nagbubuga ng mas matataas na usok ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa ikatlong araw kahapon , Miyerkoles, June 24 batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).   Sa 8 a.m. bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na nasa 300 metro ang taas ng buga nito.   “One earthquake at 7:00 p.m. yesterday […]

  • DINGDONG, ‘di napigilang i-share ang first time na makapag-swing si SIXTO; MARIAN, nakaalalay lang sa anak

    NAKATUTUWA ang pinost na photos ni Dingdong Dantes sa kanyang IG account na kung saan nasubukan na rin ni Sixto ang mag-swing sa park kasama si Marian Rivera.     Caption ni GMA Primetime King, “I couldn’t help myself from documenting his first time to try a swing since he was born. Wala pa kasi […]

  • Mungkahi ni Joseller Guiao

    ISYU para kay Joseller ‘Yeng’ Guiao ang planong mala-National Basketball Association (NBA) style  bubble ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa restart sa mid-October.   Iginiit niya sa isang talakayan nitong isang araw, na puwedeng magkaproblema sa isipan ang mga papasok roon sanhi sa pagkainip ng mga manlalaro ng propesyonal na liga kapag pinagpatuloy ang […]