• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top Government Employer ng Pag-IBIG Fund

LUNGSOD NG MALOLOS – Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang isa sa ‘Top Government Employer’ sa buong Hilagang Luzon sa ginanap na 1st Virtual Stakeholders Accomplishment Report (StAR) Awards sa pamamagitan ng isang online convention noong Biyernes, Nobyembre 27, 2020.

 

Itinampok sa online event ang kontribusyon ng kanilang mga stakeholder sa taong 2019 at ipinakita ang mga ulat ng matatag na estado ng Pag-IBIG Fund nitong taon sa iba’t ibang lugar sa bansa sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemya.

 

Ayon kay Provincial Administrator Eugenio Payongayong, kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mahalaga nitong kontribusyon sa patuloy na tagumpay ng Fund na naging dahilan upang makamit nila ang pinaka mataas na rekord sa taong 2019, na sa ngayon ay nagsilbing pinakamahusay na taon para sa kanila; at para sa pagiging isa sa pinakamahusay na employer sa sektor ng gobyerno kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Mabalacat at Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.

 

Sinabi ni Fernando na nagsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan upang makasunod at makabayad ng kontribusyon sa tamang oras at sinigurado na ang pamahalaan ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga programa na makatutulong sa pagpapabuti ng mga pagganap nito.

 

“Nagsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang maka-comply sa pagbibigay ng ating mga kontribusyon nang naaayon. Atin pong ipagpapatuloy ang mga magagandang hakbangin nang sa gayon ay maging maayos ang ating pagganap sa Pag-IBIG Fund,” anang gobernador.

 

Bukod sa top employers, kinilala din ng Pag-IBIG Fund ang mga stakeholder sa mga kategoryang collection agencies, developers at mga stakeholder na may espesyal na parangal sa Hilagang Luzon, Timog Luzon, Visayas, Mindanao at NCR.

 

Kinilala rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang top employer sa sektor ng gobyerno noong nakaraang taon kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Pampanga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Evangelista, Santor hinirang na MOS

    HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Ca­loocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilus­tre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.   Nanguna ang 14-an­yos na si Evangelis­ta, Grade 10 student sa […]

  • Booklet sa gamot ng seniors ‘di na kailangan — DOH

    HINDI na kailangan ng mga senior citizen ng purchase booklet upang makabili at makadiscount sa gamot. Sinabi ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa kasunod ng kanyang nilagdaan na bagong Admi­nistrative Order (AO) ng Department of Health (DOH) nitong Linggo. Layon ng AO na tanggalin ang pangangailangan ng purchase booklet para sa mga senior citizen na […]

  • Fernando, nagpaalala na umiwas sa paglusong sa baha na posibleng magdala ng Leptospirosis

    LUNGSOD NG MALOLOS– Bukod sa COVID-19 at Dengue, mariing ipinaalala ni Gob. Daniel R. Fernando sa publiko na iwasan ang paglangoy, paliligo at paglusong sa baha o gumamit ng proteksyon kung hindi maiiwasang ma-expose sa tubig na posibleng kontaminado ng Leptospirosis.     “Lahat ng sakit na meron tayong magagawa talaga para maiwasan, iwasan na […]