• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top Government Employer ng Pag-IBIG Fund

LUNGSOD NG MALOLOS – Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang isa sa ‘Top Government Employer’ sa buong Hilagang Luzon sa ginanap na 1st Virtual Stakeholders Accomplishment Report (StAR) Awards sa pamamagitan ng isang online convention noong Biyernes, Nobyembre 27, 2020.

 

Itinampok sa online event ang kontribusyon ng kanilang mga stakeholder sa taong 2019 at ipinakita ang mga ulat ng matatag na estado ng Pag-IBIG Fund nitong taon sa iba’t ibang lugar sa bansa sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemya.

 

Ayon kay Provincial Administrator Eugenio Payongayong, kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mahalaga nitong kontribusyon sa patuloy na tagumpay ng Fund na naging dahilan upang makamit nila ang pinaka mataas na rekord sa taong 2019, na sa ngayon ay nagsilbing pinakamahusay na taon para sa kanila; at para sa pagiging isa sa pinakamahusay na employer sa sektor ng gobyerno kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Mabalacat at Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.

 

Sinabi ni Fernando na nagsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan upang makasunod at makabayad ng kontribusyon sa tamang oras at sinigurado na ang pamahalaan ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga programa na makatutulong sa pagpapabuti ng mga pagganap nito.

 

“Nagsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang maka-comply sa pagbibigay ng ating mga kontribusyon nang naaayon. Atin pong ipagpapatuloy ang mga magagandang hakbangin nang sa gayon ay maging maayos ang ating pagganap sa Pag-IBIG Fund,” anang gobernador.

 

Bukod sa top employers, kinilala din ng Pag-IBIG Fund ang mga stakeholder sa mga kategoryang collection agencies, developers at mga stakeholder na may espesyal na parangal sa Hilagang Luzon, Timog Luzon, Visayas, Mindanao at NCR.

 

Kinilala rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang top employer sa sektor ng gobyerno noong nakaraang taon kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Pampanga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PFIZER VACCINE, DINAGSA NG MGA NAIS MAGPABAKUNA SA MAYNILA

    DINAGSA ng mga nais magpabakuna kontra COVID-19 vaccine gamit ang Pfizer ang Manila Prince Hotel sa Ermita noong Lunes.     Madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila na kinabibilangan ng kategoryang A1 (medical frontliners), A2 (senior citizen), at A3 (person with comorbidity) para sa kanilang first dose.     Ayon kay Manila […]

  • Mga dalangin ko po sa Bagong Taon

    BAGONG taong 2021 na po noong Biyernes, Enero 1.     Katulad po nang nakagawian na ng OD buhat noong  1997 dito sa People’s BALITA Sports page, may mga dalangin po ako sa ating Dakilang Lumikha para sa Philippine sports, lalo na sa ilang mga atleta.     Narito po ang ilan:   Weightlifter Hidilyn […]

  • Mga tatanggi sa COVID-19 vaccine bakunahan habang natutulog

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.   Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus.   “Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw […]