Pambansang Ginoo lumabas ang pagiging pilyo: DAVID, nag-trending na naman dahil sa sagot na Ozawa sa ‘Family Feud’
- Published on January 12, 2024
- by @peoplesbalita
KAAGAD na nag-trending ang hashtag na Maria Ozawa sa X (dating Twitter) dahil sa mga nakakalokang komento ng netizens.
Ito kasi ang naging sagot ni David Licauco na tanong ni Dingdong Dantes sa GMA-7 game show na Family Feud noong Lunes, January 8, 2024, na dugtungan ang pangalang ‘Maria’.
Ang tinaguriang Pambansang Ginoo ang leader sa “Team David” kasama ang mga kaibigan niya at classmate. Kabilang dito ang best friend niyang Kapuso actor ding si Dustin Yu.
Kalaban nila ang “Team Barbie,” na pinangunahan naman ni Barbie Forteza. Kasama ng Kapuso actress ang daddy niyang si Tony at ang kanyang make-up artist at stylist.
Unang nasagot ang top answer na Maria Clara.
Kaya “Ozawa!” ang nakangiting sagot ni David, na ang tinutukoy ay ang Japanese actress at dating porn star.
Kinantiyawan nga si David ng mga kasamahan niya. Kaya parang hiyang-hiya ang Kapuso actor sa sagot niya, at pumunta sa kaibigan na si Kurt.
Nag-react din si Barbie at nagtataka sa sagot ng ka-loveteam, habang tawang-tawa naman si Daddy Tony at inulit pa na Maria Osawa!
Tanong tuloy ng netizens bakit hindi raw niya naisip ang Maria Makiling, Maria Magdalena, Maria Sinukuan, Maria Mercedes, o Maria Leonora Teresa.
Punung-puno ng malisya ang naging komento ng netizens sa sinagot ni David, kaya agad itong nag-trending hindi lang sa X, pati sa TikTok, na may million views na ang account ng Family Feud.
Nakalagay sa caption na… ‘Di ka nag-iisa, @davidlicauco, Naisip rin namin ‘yan!
Kitang-kita raw na tunay na lalaki si David kaya ang unang naisip niya ay ang alindog ni Maria Ozawa. May nag-iisip din kung paano raw pinagpapantasyahan ng tsinitong aktor ang Japanese actress.
Siyempre marami na ang nagtataka at nagtatanong kung sino si Maria Ozawa, na karamihan sa sumagot ay kilala at inspirasyon daw ito ng mga kalalakihan.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa X at Tiktok.
“Nakakaloka! Naging Parte siguro ni David si Maria. Ahahaha.. ok Lang Yan, normal Lang Yan sa kalalakihan.”
“Nood pa more Maria Ozawa.”
“Paano di kakabahan? Si Maria Ozawa ay ang No.1 porn star turned actress sa Japan. Haha. palagay ko sa pag re research nya para Pulang Araw nadaanan nya yun pero di ba 1940s ang PA? Si Maria Ozawa ay sumikat ng year 2000s. Huli ka tlaga David!”
“Maria Ozawa boldstar sa Japan, pero natawa ako Maria Aunor hahaha iniisip nya siguro Maria Leonora Theresa.”
“Di naman halatang mahilig sa porn si David.”
“Andami daming maria, may maria makiling, maria corazon, maria elena. ozawa talaga una pumasok sa isip, yare!”
“Tinanong ko asawa ko ganyan din sagot.”
“Yan ang nagpatangkad sa Pambansang Ginoo.”
“Un reaction ni Barbie di kilala si Maria Osawa.”
“Na-curious 2loy ako sa itsura ni Maria Ozawa.”
“Ynug nawala pagka-Ginoong Fidel mo, Fidel na pilyo pasoook!”
“Congrats! Isa kang tunay na hokage.”
Sa totoo lang, ang daming napasaya ni David sa sinagot niya at nagmarka na ito sa episode ng ‘Family Feud’.
Anyway, after four rounds, wagi ang ‘Team David’. Unang sumabak si Biggie ang sa jackpot round at nakakuha ito ng 103 points. Kaya 97 points na lang ang kailangan ni David. Nakakuha siya ng isang top answer na worth 47 points, umabot 218 points ang combined total, kaya nasungkit nila ang P200,000.
Sa GMA Kapuso Foundation nila napiling ibigay ang P20,000.
(ROHN ROMULO)
-
Imus at NHCP pinangunahan ang Pambansang Araw ng Watawat at Ika-127 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan
IMUS, Cavite — Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Pambansang Araw ng Watawat at ang Ika-127 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan nitong Mayo 28, 2025 sa Dambana ng Pambansang Watawat ng Pilipinas (Imus Heritage Park) sa pamumuno ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Tagapangulo […]
-
International arriving Filipino passengers na gumaling sa COVID pinapayagan nang makapasok sa Pilipinas
MAAARI nang pumasok sa Pilipinas ang mga Pinoy travellers na galing sa ibang bansa na gumaling na sa COVID subalit nagpopositibo pa din sa required pre-departure RT-PCR test. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kailangang lang na makapag- pakita ng medical certificate ang isang Pinoy international traveller na […]
-
2 miyembro ng criminal gang na sangkot sa pagbebenta ng baril, timbog
DALAWANG umano’y notoryus na miyembro ng criminal gang na sangkot sa pagbebenta ng baril ang arestado sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Public Information Office (PIO) chief P/Lt Marcelina Pino, nakipag-transaksiyon ang isang intelligence officer ng pulisya kina alyas “Hunasan”, 34, at […]