Secretary Roque, tikom ang bibig kung may impluwensiya pa o wala na sa super majority sa Kongreso si PDu30
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
TIKOM ang bibig ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkomento sa kung may impluwensiya pa o wala na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa House super majority.
Sa halip na sumagot ay ipinaubaya na lamang ni Sec. Roque kay Pangulong Duterte ang pagsagot kung sa tingin nito ay wala na siyang clout sa mayorya ng mga mambabatas sa Kamara.
Puwede aniyang mabanggit ito ng Punong Ehekutibo bukas, araw ng Miyerkules sa kanyang susunod na public address.
Ang pahayag ay ginawa ni Sec. Roque sa gitna ng umanoy hindi pakikinig kay Pangulong Duterte ng mga Kongresista na isaisantabi muna ang pulitika at atupagin sana ang pondo para sa susunod na taon.
Sa harap nito ayon kay Sec. Roque ay umaasa pa din ang Chief Executive na kikilos ang mga mambabatas na ikinukunsidera pa ring lider ng partido ang Chief Executive na ipa-prayoridad ng mga ito ang 2021 budget sa gagawing deliberasyon ngayong araw. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads July 7, 2022
-
Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Ang Dating Daan Bro. Eli Soriano
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, mahal sa buhay at followers ni Bro. Eliseo “Eli” Soriano na pumanaw sa edad na 73. Si Bro. Eli ay isang isang mapagmahal na mangangaral ng “Ang Dating Daan” kung saan ang kanyang mga aral ay humahaplos sa buhay at nagsisilbing gabay ng marami. “His […]
-
PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon
Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito. Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito. “A transport infrastructure project like […]