Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.
Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.
Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang puntos ng Ukrainian table tennis player sa kanilang women’s Knockout 2 semifinals.
Habang hindi umubra si Jann Mari Nayre sa kalaban nitong Niagol Stoyanov ng Italy sa men’s Knockout 1 quarterfinals.
Mayroong puntos na 11-5, 11-4, 11-4, 8-11, 13-11 kaya nanaig ang Italian player.
Hindi pa nawawalan ang pambato ng bansa sa table tennis na sina Fadol, Nayre kasama sina John Russel Misal at Jannah Romero na makapasok sa Olympics kapag magtagumpay sila sa Asian Olympic Qualifying Tournament na gaganapin rin sa Doha sa darating na Marso 18-20.
-
Ads August 26, 2024
-
Kapuso breakout star na si CLAIRE, bagong ‘Pantasya ng Bayan’ matapos magpasilip ng alindog sa serye
ANG Kapuso breakout star na si Claire Castro ang bagong Pantasya ng Bayan. Pagkatapos na magsilip ng kanyang alindog si Claire sa kanyang eksena with Rayver Cruz sa teleserye na Nagbabagang Luha, tinawag na siya ng netizens na bagong Pantasya ng Bayan. Sey ni Claire sa binibigay na titulo sa kanya: “I’m not sure what ‘pantasya’ means po, […]
-
SHARON, inamin na matagal nang hinahanap ang normal na pamumuhay sa Amerika na ibang-iba sa Manila
TULUY-TULOY pa rin ang paglabas ng vlog ni Megastar Sharon Cuneta kahit ngayong masaya siyang naninirahang pansamantala sa Los Angeles, California, kasama ang mga friends niya. Nagkaroon din siya ng family reunions sa mga relatives niyang naninirahan doon. Inamin niyang ito ang matagal na niyang hinahanap, ang normal na pamumuhay, tulad nang pagkain […]