• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamilya bibilhan na ng bahay ni Mark Magsayo upang makaalis na sa squatter area

BUTUAN CITY – Matinding kasiyahan ang naramdaman ng mga mamamayan sa Bohol matapos manalo si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa kanilang away ni American boxing champion Gary Russel Jr. kung kaya’t kanyang nakuha ang World Boxing Council o WBC featherweight belt.

 

 

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inilhayag ng ama ni Mark na si Joseph Judy Magsayo na naglagay ng malaking screen sa City Hall grounds ang mayor ng Tagbilaran City upang may makikitang live-fed sa away ng kanyang anak ang kanilang mga kababayan lalo na’t marami-rami pa ring mga bayan sa naturang lalawigan ang wala pa ring linya ng kuryente matapos sinalanta ng bagyong Odette.

 

 

Blangko pa si Judy kung ano ang plano ng probinsyal na pamahalaan sakaling uuwi na ang kanyang anak.

 

 

Aminado ang ama ng Pinoy boxing champion na mahirap pa rin sila ngayon at ang pagkakapanalo ng kanyang anak laban kay Russel ang inaasahan nilang mag-aalis sa kanila mula sa kahirapan kahit na dawalang taon na itong kasal.

 

 

Ayon pa kay Mang Judy, nangako ang kanyang anak sa kanilang video call kahapon na bibili na ito ng bahay para sa kanilang pamiya uparn makaalis na nga sa squatter area.

Other News
  • X-Men Joins MCU, Charlize Theron Will Suits Up As Mystique

    EVERYBODY can’t wait for the X-Men to join the Marvel Cinematic Universe and now we have our first look at what Charlize Theron could look like as Mystique.     Across her illustrious career, of the Oscar winner actress, has taken on many roles; however, there is one role that has long alluded her: a […]

  • 2 bagong tren ng PNR, aarangkada na

    SA mga susunod na araw ay maari ng masakyang ang dalawang bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).   Inaasahan din na mabibigyang serbisyo sa mga libo-libong mga mananakay na mula sa Tutuban hanggang Alabang Station.   Ayon sa PNR, nakumpleto na ang mga bagong bagon ng tren na idineploy sa PNR depot ngayong araw […]

  • Amsali, Sanchez, Ynot dagdag pangil ng Beda

    MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa darating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament dahil may malulupit na bagong tatlong bagitong manlalaro.   Sinigurado na ng SBU na maisasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot na itinaas na sa senior […]