• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pamilya ng namatay na tauhan sa Malacañang, tutulungan’

TINIYAK ng Palasyo Malacañang ang tulong sa mga naulila ng tauhan nilang nasawi sa loob ng complex nitong Huwebes.

 

 

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagpaabot na sila ng pakikiramay at ginagawa nila ang lahat para maalalayan ang pamilya ni Mario Castro, na isang empleyado ng Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.

 

 

Samantala, iniimbestigahan na rin ng Manila Police District (MPD) ang ilang security personnel matapos mahulog mula sa ika-apat na palapag si Castro.

 

 

Ayon kay Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD – Homicide Section, mahalaga ang salaysay ng mga guwardiya ng Agilex Security Agency, dahil sila ang nakarinig ng pagkahulog at sila din ang unang dumating sa pinangyarihan ng insidente.

 

 

Inaalam na aniya kung nagkaroon ng foul play habang isinailalim sa otopsiya ang bangkay ni Castro. (Daris Jose)

Other News
  • Mga Pinoy Olympians mas makikilalala na sa website

    MAKIKILALA na ang mga national athlete noon at ngayon na nagbigay ng karangalan sa bansa hanggang sa pinakamalaking paligsahan – Olympic Games – sa pamamagitan ng  makabagong teknolohiya sa kalulunsad lang na Philippine Olympians Association (POA), Philippine Olympic Committee (POC) at Nestle-Milo Philippines.     Mababasa ng publiko ang mga Olympian, ang kanilang mga natatanging […]

  • Toledo, bukas na tanggapin ang alok na maging press secretary

    BUKAS si Atty. Michael “Mike” Toledo na tanggapin sakali’t  ialok sa kanya ng administrasyong Marcos ang posisyon bilang press secretary.      Kabilang kasi ang pangalan ni Toledo sa mga pinagpipilian na magiging kapalit ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa health reasons.     Hindi naman itinanggi o kinumpirma ni Toledo ang […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG P1.5M AYUDA SA ‘ODETTE’ SURVIVORS

    NAGBIGAY ng tulong cash aid ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa limang local government units na lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette.     Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office, nagbigay ang Navotas ng kabuuang P1.5 milyon sa local na mga opisyal ng Dapa, Surigao Del Norte; Ilog, Negros Occidental; Gingoog, Misamis Oriental; […]