• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANALANGIN NG SANTO PAPA KONTRA DEATH PENALTY, IKINAGAGALAK NG CBCP-ECPPC

IKINAGALAK ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang paglalaan ng Kanyang Kabanalan Francisco ng panalangin sa buwan ng Setyembre para sa pagbuwag ng parusang kamatayan sa buong daigdig.

 

 

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, vice chairman ng komisyon na dahil sa mensahe at panalangin ng Santo Papa ay lalong tumatag ang  kanilang paninindigan laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

 

 

“It strengthens our faith on the value of life and also our faith that we really have to preserve itong binigay sa atin na gift ng Panginoon,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam sa Radio Veritas.

 

 

Tiniyak ni Bishop Bendico na maninindigan ang CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care laban sa planong pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

 

 

Iginiit ng Obispo na kaisa ng Santo Papa Francisco ang prison ministry ng Simbahang Katolika sa Pilipinas laban sa death penalty na nag-aalis ng pagkakataon sa mga nagkasala na makapagsisi, makapagbalik-loob at makapagbagong buhay.

 

 

“Yung CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care reiterate its strong opposition in the move to revive the death penalty in the Philippines at yung isang reason dito ay yung death penalty violates the inherent dignity of a person, which is not lost despite the commission of a crime. Yung stand ng CBCP yung strong opposition ng CBCP sa death penalty in line also with the mind of course of our present Pope,”dagdag pa ni Bishop Bendico. Bahagi ng panalangin ng Santo Papa Francisco ngayong buwan ng Setyembre ang pagbuwag ng bawat bansa sa parusang kamatayan na direktang umaatake sa dignidad at buhay ng isang nilalang.

 

 

Ayon kay Pope Francis, hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang pagkitil ng buhay ng sinuman. Sa Pilipinas taong 2006 nang tuluyang pinawalang bisa ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang death penalty sa bansa.

 

 

Batay sa tala ng Amnesty International, nasa 140 mga bansa na ang nag-abolish o tuluyang nagbuwag sa kanilang parusang kamatayan dahil sa kabiguan nito na tuluyang mapababa ang kriminalidad sa lipunan. (Gene Adsuara)

Other News
  • 15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon

    Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.     Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, […]

  • PBBM, pinuri si Obiena sa pagkapanalo sa Germany meet

    PINURI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.si  pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena matapos magwagi sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockrim, Germany.     “Isang maligayang pagbati para sa ating atleta na si EJ Obiena sa kanyang pagkapanalo ng gintong medalya,” ayon kay Pangulong  Marcos sa isang Facebook post.     “Ang pinakitang gilas ni EJ sa […]

  • DENNIS at JENNYLYN, in ramdom namigay ng cash gifts sa iba’t-ibang tao bilang pamasko

    TIYAK na nagulat at natuwa ang nabigyan ng cash gifts ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bilang pamasko nila sa kanila.      Nai-feature ito ng mag-asawa sa kanilang “After All” youtube vlog. Papunta ang mag-asawa para sa regular check-up ni Jen sa coming baby girl nila ni Dennis, at in random ang mga […]