• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ng ilang senador na gawan ng special audit ang naging gastos ng pamahalaan kontra Covid-19, oks sa Malakanyang

WELCOME sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit para sa naging gastos ng pamahalaan para labanan ang pagkalat at epekto ng COVID-19 sa bansa.

Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, walang itinatago ang gobyerno kaya okay lang sa kanila ang special audit.

Patunay na aniya rito ay ang pagsusumite ng weekly reports ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso hinggil sa implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ang batas, na napaso na noong Hunyo 25, ay nagbigay kay Pangulong Duterte ng special powers sa loob ng tatlong buwan para epektibong tugunan ang COVID-19 crisis.

“Walang pong tinatago ang Presidente at ang Malacañang. Lahat ng gastos, lahat po ng pera na ginastos para sa COVID-19 napunta po ‘yan para sa COVID-19 response ng gobyerno,” ayon kay Sec. Roque.

“We welcome the special audit noting na io-audit naman talaga yan ng COA dahil ang COA po ay post-audit po ang ginagawa,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer of the government’s COVID-19 sa publiko na ang transaksyon ay ‘aboveboard’.

“Maitataya po namin ang aming integridad sa pagbili ng mga pangangailangan ng ating mamamayan dito sa paglaban sa COVID,” ang pahayag ni Galvez. (Ara Romero)

Other News
  • DSWD, nagpadala ng tulong sa mga flood victims sa Visayas, Mindanao

    IKINASA na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief operations sa mga lugar sa  Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.     Sinabi ng Malakanyang na ang  relief operations ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD field offices sa Eastern Visayas at […]

  • PBBM tiniyak may sapat na suplay ng bigas sa kabila ng nararanasang El Niño

    TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot.     Sinabi ng Pangulo na walang dapat i-pangamba ang publiko na kapusin ang suplay ng bigas at mga pagkain.     Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, sinabi ni Pang. Marcos […]

  • Celtics coach aminadong humina ang opensa noong Game 4

    HINDI  ikinaila ni Boston Celtics coach Ime Udoka na nagkaroon ng mahinang opensa ang kaniyang koponan kaya naitabla ng Golden State Warriors sa 2-2 ang kanilang best of seven Finals.     Sinabi nito na nag-eenjoy na sana sila sa isang panalo para makuha ang kampeonato kung hindi lamang mahina ang opensa nila noong Game […]