Panawagan ng Malakanyang sa mga Padre de pamilya, higpitan ang mga bata ngayong simula na ang 2 week ECQ
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga padre de pamilya na gumamit na nang baston kung kakailanganin para huwag palabasin ang kanilang mga tsikiting ngayon at nagsimula na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila.
Ang ECQ ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay tatagal ng dalawang linggo mula Agosto 6 hanggang 20.
Ang panawagan ni Sec. Roque sa mga tatay ay huwag na huwag palabasin ang kanilang mga anak.
Kung kailangan aniyang gumamit ng baston ay gamitin ito sa gitna ng target na mapababa ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.
“Kaya nga po ang panawagan ko sa mga hepe ng pamilya, mag-declare na po kayo ng household lockdown at ipatupad po ninyo iyan, kung kinakailangan ng baston, magbaston na kayo sa inyong mga kabataan,” ani Sec. Roque.
“Pero huwag na ninyong palalabasin, dahil ang objective po natin mapababa ang pagkalat nitong mas nakakahawang Delta variant,” aniya pa rin.
Ibig lang aniyag sabihin ay gawin ang lahat upang matiyak na hindi makakagala at maging pakalat- kalat ang mga bata lalo na ngayong ECQ.
“Ito po ang rule, GENERAL RULE: Bawal lumabas exception, iyong mga nagtatrabaho po, dahil sila ay APOR doon sa mga industriyang bukas, iyong mga medical frontliners natin at iyong mga taong gobyernong nagbibigay ng serbisyo na classified as APOR. Tama po iyon, bawal lumabas ang general rule,” ayon kay Sec. Roque.
“Pero kung kayo po ay APOR at magpapabakuna, puwede po kayong lumabas. At saka iyong mga kukuha po ng essentials, pagkain at gamot. Pero tama po, ang general rule, huwag lalabas,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, biglang nagbigay linaw naman si Sec. Roque sa maling salita na kanyang nagamit bilang atas sa mga padre de pamilya.
Una kasing nabanggit ni Sec. Roque ay salitang baston na kaagad namang nilinaw nito na ang nais sana niyang tukuyin ay pastol.
“Sorry ha, siguro mali iyong word ko kanina. Mga hepe ng pamilya, pastulin po natin ang lahat ng miyembro ng ating mga pamilya na huwag ng lumabas, diyan po talaga magtatagumpay ang ECQ, kung iyong hepe ng pamilya ang magpapatupad ng household lockdown. Pastulin, hindi bastunin, pasensiya na kayo. Alam naman ninyo trying hard managalog, pero hindi tayo perfect, we are getting there po. Huwag kayong mag-alala,” paglilinaw nito. (Daris Jose)
-
MARIAN, successful ang launch ng sariling clothing line; new collection sold-out agad pagkalipas ng ilang oras
OUR congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa successful launch ng sariling clothing line, under her Flora Vida lifestyle brand. Sold-out kasi agad ito in just hours since its release. Ang new collection ni Marian ay bumubuo ng easy-to-wear pieces for lounging or day-to-day activities. Each design costs P10,000.00. Kaya […]
-
Halos 8.5 million mananakay, naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT-3 sa unang buwan ng programa.
AABOT sa halos 8.5 million mananakay ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 sa unang buwan ng program. Ayon sa pamunuan ng MRT-3 na nasa kabuuang 8,472,637 ridership mula Marso 28 hanggang Abril 30. Nakitaan ng 27.8% na pagtaas ang average number ng mga pasaherong sumasakay sa […]
-
Mga manufacturer ng sardinas naglalayong magtaas ng presyo
INIHAYAG ng Canned Sardines Association of the Philippines na makikipagpulong ito sa Department of Trade and Industry para pag-usapan ang kanilang kahilingan para sa pagtaas ng suggested retail price (SRP). Sinabi ni CSAP executive director Francisco “Bombit” Buencamino, ang sektor ay na-stuck sa July 2021 SRP habang ang mga presyo ng gasolina, na […]