• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ni Parlade na revolutionary government, bahagi ng kanyang “freedom of speech and expression”- Andanar

BAHAGI ng kanyang garantisadong “freedom of speech and expression” ang naging panawagan ni dating NTF-ELCAC Spokesperson Retired Lt. Gen. Antonio Parlade.

 

 

Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at Presidential Communications Secretary Martin M. Andanar makaraang ihayag ni Parlade sa rally ngayong tanghali sa People Power monument na revolutionary government ang solusyon para maayos ang sistema sa Commission on Elections o COMELEC.

 

 

Gayunman, sinabi ni Andanar na gaya ng naging kautusan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang panawagan ng retiradong heneral ay “better left ignored” o makabubuting dedmahin o balewalain.

 

 

Binilinan kasi ni Lorenzana ang (AFP) na wag pansinin si Parlade.

 

 

Sa rally ngayong tanghali sa People Power monument sinabi kasi ni Parlade na kung maayos ang sistema sa Comelec, hindi na makakalusot ang mga pulitikong puro pansariling interes lang ang inaatupag.

 

 

Pero nilinaw ni Parlade na hindi siya nananawagan ng pagtatatag ng isang revolutionary government, kundi sinasabi niya lang na kung ito ang solusyon sa problema sa Comelec, “so be it”.

 

 

Gayunpaman, sinabihan ni Lorenzana ang mga opisyal ng AFP na huwag pakinggan ang sinasabi ni Parlade.

 

 

Si Parlade na dating Southern Luzon Commander ng AFP bago nagretiro noong Hulyo ng nakaraang taon ay huling nabalot sa kontrobersya nang akusahan niya si Sen. Bong Go na dinidiktahan ang mga desisyon ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM ADMIN NAGLAAN NG P2.39 BILYON PARA PONDOHAN ANG MALAWAKANG FOREST REHABILITATION PROGRAM

    Para makamit ang sustainable, green, at climate-resilient economy, naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P2.39 bilyon para sa National Greening Program sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA). “Bilang mandato po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mananatili kaming nakatuon sa pagkamit ng inclusive at sustainable transformation patungo sa tinatawag […]

  • Sec. Chua, kumpiyansang mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso

    KUMPIYANSANG inihayag ni Acting SocioEconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso kung makikipagtulungan ang publiko sa minimum health standards.   Giit ni Chua, hindi na kakayanin ng ekonomiya na bumalik sa mas mahigpit na quarantine measures.   Kumbinsido si Chua na pagkatapos ng Pebrero ay nasa mas maayos […]

  • Walang pakialam sa bashers at pananaw ng iba: BUBOY, ‘di ikinaila na supporter ang pamilya ng BBM-SARA tandem

    MASAYANG-MALUNGKOT ang pagbabalik ni comedienne-actress Rufa Mae Quinto sa bansa kamakailan lamang.       After three years na nanirahan sa Amerika, sa piling ni Alexandria, ang anak na babae nila ni Trevor Magallanes, parang natapat naman ang pagbalik niya sa pagyao ng brother niyang si Vincent Sy.     Sadya palang umuwi sa bansa si […]