Panawagan sa GMA, bigyan ng show ang dalawang aktres…
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
DINGDONG & MARIAN at BEA & DOMINIC, nakita na ring magkasama sa isang event
FOR the first time nagkasama na rin sa isang event sina Marian Rivera at Bea Alonzo.
Naganap nga ito last twosday (02-22-2022) sa exhibit ng sikat na celebrity photographer na si Mark Nicdao na malapit sa dalawang Kapuso actress at ganun din sa kani-kanilang partner na sina Dingdong Dantes at Dominic Roque, na matagal na rin magkaibigan at magkasama sa EuroMonkeys.
Tuwang-tuwa nga ang netizens sa makita sa isang larawan ang DongYan at BeaDom, na finally nga natuloy na ang pasasama ng dalawang showbiz couples.
Inaabangan din ng netizens kung kailan kaya matutuloy ang pagbisita nina Bea at Dom at bahay nina Dong at Yan, at mag-share ng kani-kanilang fave dishes.
Dumami uli ang requests sa GMA Network na baka naman pwedeng pagsamahan sina Bea at Marian sa isang show, o pwede rin naman silang tatlo.
Ilan nga sa naging comments ng netizens:
“My dongyan heart, charot! hoping for bea-yan project this year.”
“DongYan and BeaDom.”
“OMG …..OXYGEN PLS. DALAWANG REYNA. PHILIPPINE TV AND MOVIE. MARIAN AND BEA.”
“In fairness mukhang nag-catch up na si Dom kay Bea pagdating sa itsura. Nag-mature sya, dati kasi halatang mas matanda si Bea sa kanya. Now parang magka-same age na. Or bumata din itsura ni Bea?”
“DongYan power couple, can’t say the same with Bea & Dom. Bea need someone na ka level nya.”
“Paging GMA, ano pang hinihintay niyo? Bigyan niyo ng teleserye ang tatlo. Sila na lang gawin niyong love triangle. Mas bagay pa lol. Subok na chemistry ng DongYan at DongBea kaya cguradong panalo.”
“Teleserye with Bea and Dong pls…”
“Mukhang bagay nga ang Dong and Bea sa teleserye. Beke nemen, GMA para maiba nemen lol.”
***
WHY are certain actors typecast? Is fan mentality an illness? Why are some actors afraid ofplaying gay roles? What happens after actors have shot an intimate scene?
Have you considered the evolution of Tagalog film titles, from ’Nabasag ang Banga’ to ’Pag-ibig sa Kapirasong Banig’ to ‘The Panti Sisters’?
Ilang lang ito sa mga isyung bibigyan ng kasagutan ng award-winning veteran entertainment journalist na si Nestor Cuartero sa kanyang first movie book na PH MOVIE CONFIDENTIAL.
Magkakaroon ng book launching sa March 8 na gaganapin ito sa FDCP Cinematheque sa Maynila at sa pakikipagtulungan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Ang slim volume na naglalaman ng 130 glossy pages, na ayon sa author ay, ’is a humble collection of essays about trends, practices, beliefs, quirks and movements that helped shape the Philippine movie industry then (and now).’
Ang naturang libro ay resulta ng pagiging avid moviegoer ni Mr. Cuartero sa nakaraang anim na dekada.
Ayon pa sa kanyang, “Let’s just say a good chunk of those years had been spent as a close, firsthand observer of the industry as a working journalist covering the entertainment beat.”
Published ito ng Ultimate Learning Series by Carl Balita Review Center(CBRC) in cooperation with the Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ang PH MOVIE CONFIDENTIAL ay partial record ng mga taon ni Nestor bilang movie fan at entertainment journalist sa Tempo at Manila Bulletin na kung saan matagal din siyang naging entertainment editor at nagwagi ng several awards in journalism.
Ilang dito ang Grand Prize sa Primer Premio de Periodismo na mula sa Instituto Cervantes in 2000; First Prize sa 2007 La Sallian Scholarum Awards for coverage of youth and education issues in media; at nakamit din niya ang 2010 Binhi Awards’ Environment Journalist of the Year ng Philippine Agricultural Journalists (PAJ).
Mabibili ang libro sa promotional price na 400 pesos (excluding shipping), available din ito sa over 100 CBRC schools sa buong bansa.
Maaari ring mag-order sa pamamagitan ng pag-email sa nescuar@yahoo.com or via mobile phone 0917-800-5986.
(ROHN ROMULO)
-
Football star Cristiano Ronaldo nabasag ang all-time FIFA record career goal
NAGTALA ng all-time FIFA record si Manchester United superstar Cristiano Ronaldo matapos maitala nito ang kaniyang 806th career goal sa Old Trafford. Dahil dito ay nabasag nito ang all-time record para sa most goals sa competitive matches sa kasaysayan ng men’s football. Ito ang pangalawa sa tatlong goals ng Portuguese attacker […]
-
Hindi kasarian ang susi sa tagumpay – Magno
MAGANDANG inspirasyon para sa kababaihan ang HUGOT ni 32nd Summer Olympic Games 2021 Tokyo-bound boxer Irish Magno. Sinalaysay nitong isang araw lang ng boksingera ang “Tungo sa Ginto” ng MVP Sports Foundation na hindi aniya ang kasarian ng isang tao upang maabot ang mga pangarap o tagumpay. “Ang importante kung may pangarap ka, […]
-
Naging best friend and confidante na maaasahan: KRIS, tinapos na agad ang pakikipagrelasyon kay VG MARK
SA Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, isiniwalat niya sa mahabang post na “hiwalay” na raw sila ng kanyang boyfriend, bestfriend, at confidante na si Batangas Vice Governor Mark Leviste. Kasama ang isang larawan nila ni VG Mark, sinimulan niya ito ng, “This is a long overdue Gratitude post. […]