Panelo, nag-sorry kay VP Leni
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
HUMINGI na ng paumanhin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Vice President Leni Robredo matapos magkomento sa maling impormasyon na sumakay ang huli sa C-130 aircraft nang dumalaw ito sa Catanduanes noong November 3.
Sa katunayan ayon kay Sec. Panelo ay naglabas na siya ng apology matapos maberipika ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Philippine Air Force (PAF) na hindi sumakay si Robredo sa C-130 plane ng militar.
Sinabing una nang humingi ng paumanhin kay Robredo si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na mapatunayan na hindi totoong sumakay ng C-130 ang Pangalawang Pangulo.
Ayon kay Lorenzana, nilinaw sa kanya ng Philippine Air Force na pribadong eroplano ang ginamit ni Robredo nang magpunta ang huli sa Bicol para sa relief operation ng mga nasalanta ng bagyo.
Mula sa impormasyon ni Lorenzana ay nagbigay din ng komento si Panelo na nakikigamit ng sasakyan ng militar ang pangalawang pangulo.
Dahil dito ay nag-sorry si Panelo.
Gayunman, may puna pa rin si Panelo sa pangalawang pangulo kaugnay sa nag-viral na “#NasaanAngPangulo?” (Daris Jose)
-
Ginebra nakuryente sa Meralco
PINALAKAS ng Meralco ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos basagin ang Barangay Ginebra, 90-73, sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Kumolekta si Chris Newsome ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 5-3 record ng Bolts tampok ang dalawang sunod na panalo. Nag-ambag […]
-
Pagpupulong sa flood control at navigational gate
NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco, kasama ang Philippine Coast Guard, Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga may-ari ng mga barkong bumangga sa coastal dike ng lungsod noong mga nakaraang mga bagyo. […]
-
Zubiri, susunod na Senate President
SINIMULAN na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pumili ng magiging katuwang niya sa mga komite sa Senado. Kasunod ito ng lumilinaw nang Senate presidency, makaraang umatras na sa laban si Sen. Cynthia Villar. Dahil sa naturang development, formality na lang ang kailangan para sa pag-upo niya bilang pinuno […]