• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panelo, nag-sorry kay VP Leni

HUMINGI na ng paumanhin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Vice President Leni Robredo matapos magkomento  sa maling impormasyon na sumakay ang huli sa C-130 aircraft nang dumalaw ito sa Catanduanes noong November 3.

 

Sa katunayan  ayon kay Sec. Panelo ay naglabas na siya ng apology matapos maberipika ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Philippine Air Force (PAF) na hindi sumakay si Robredo sa C-130 plane ng militar.

 

Sinabing una nang humingi ng paumanhin kay Robredo si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na mapatunayan na hindi totoong sumakay ng C-130 ang Pangalawang Pangulo.

 

Ayon kay Lorenzana, nilinaw sa kanya ng Philippine Air Force na pribadong eroplano ang ginamit ni Robredo nang magpunta ang huli sa Bicol para sa relief operation ng mga nasalanta ng bagyo.

 

Mula sa impormasyon ni Lorenzana ay nagbigay din ng komento si Panelo na nakikigamit ng sasakyan ng militar ang pangalawang pangulo.

 

Dahil dito ay nag-sorry si Panelo.

 

Gayunman, may puna pa rin si Panelo sa pangalawang pangulo kaugnay sa nag-viral na “#NasaanAngPangulo?” (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 28, 2020

  • Napaulat na hacking sa Comelec data, iimbestigahan ng DICT cyber security bureau

    MAGSASAGAWA ng sariling imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa di umano’y hacking incident sa Commission on Elections’ (Comelec) data.     Sa katunayan, ipinag-utos ni Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic sa Cybersecurity Bureau ng departamento na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon ukol sa napaulat na hacking sa data ng komisyon. […]

  • SSS MEMBER NA APEKTADO NG COVID-19 MAAARI NANG MAG-CALAMITY LOAN

    Tumatanggap na ng aplikasyon ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro na lubhang naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 pandemic sa ilalim ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP). Inaasahan ng SSS na may 1.74 milyong miyembro nito ang makikinabang sa CLAP kung saan maaaring makautang ng hanggang Php 20,000 depende sa monthly salary credit […]