• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni PBBM sa mga public school teachers, ‘better benefits, allowances’

MAKATATANGGAP ang mga public school teachers ng karagdagang benepisyo na makapagpapagaan sa kanilang buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes sa Batasang Pambansa sa Quezon City na kabilang sa mga benepisyo ay magmumula sa Kabalikat sa Pagtuturo Act, pinagtibay nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo.
“Ito ay magbibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan ng teaching allowance para pambili ng mga kagamitan sa pagtuturo at mga kaugnay na gastusin,” ayon sa Pangulo.
Itinaas ng batas ang tinatawag na “chalk allowance” sa P10,000 mula sa dating P5,000, ang may-akda ng batas ay si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
“Matatanggap na nila ito simula sa susunod na taon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Makatatanggap din ang mga public school teachers ng personal accident insurance mula sa Government Service Insurance System (GSIS).
“Makakapaghatid na din ng dagdag ginhawa ang special allowance para sa mga karagdagang public school teachers na masasaklaw ito na makakaranas ng matinding hirap at panganib sa kanilang araw-araw na pagtatrabaho,” ayon sa Pangulo, tinukoy ang mga public school teachers sa mga lugar na tinukoy bilang “hardship posts”.
Nangako rin ang Pangulo ng ‘free teachers’ mula sa pagiging inconvenienced sa pamamamgitan ng mga hindi nabayarang utang.
“Hindi magiging hadlang ang kanilang mga utang upang makapag-renew ng kanilang lisensya. Marapat lamang na sila ay payagan pa ring makapagturo nang sila ay makapag-hanapbuhay at may kinikita,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA na ang karagdagang tauhan ay pagkakalooabn din ng ‘free teachers’ mula sa responsibilidad na labas na sa kanilang teaching profession.
“Clearly, the quality of our education rests on the quality of our future. Every classroom that we build will be an empty and lifeless structure without its moving force: the teacher,” ayon kay Pangulong Marcos.
“But our teachers are not just perfunctional figures in our schools, they are the very foundation of our educational system. As we build our schools, so do we must uplift our teachers,” lahad nito.
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na naglaan na ang gobyerno ng pondo para sa implementasyon ng ‘expanded career progression system’ para sa mga public school teachers.
Mabibigyan nito ng pagkakataon ang mga guro para lumago ang kanilang career sa oras na mamili na sila sa pagitan ng dalawang landas: ang pagtuturo at ang school administration track.
“Each of which shall have ample career growth activity. Sa sistemang ito wala nang public school teacher na magre-retire na Teacher 1 lamang,” ayon sa Pangulo.
Gayunman, hindi naman sinabi ni Pangulong Marcos kung magkano ang umento para sa mga public school teachers. (Daris Jose)
Other News
  • Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.   Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.   “So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni […]

  • Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

    BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.     Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]

  • Canelo Alvarez at Caleb Plant promo tour, nauwi sa suntukan

    Muntik mauwi sa todong labu labo ng suntukan ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina super middleweight champion Canelo Alvarez at Caleb Plant habang nagsasagawa ng promotional tour ng kanilang laban sa Beverly Hills, California.     Una rito nag-face off ang dalawa at nagkadikitan ang mukha habang nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpormahan. […]