PANGANGAMPANYA, PARA LIMITAHAN ANG PANGANIB SA COVID
- Published on February 15, 2022
- by @peoplesbalita
GUMAWA ng mga paghihigpit ang Comelec sa personal na pangangampanya upang limitahan ang panganib ng mga impeksyon sa COVID-19 sa panahon ng 2022 campaign period.
“Sa tamang panahon at sa tamang sirkumstansya, nakakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan tama at kinakailangan na medyo pigilan ang mga iba’t ibang activities,” ayon kay Commission on Election Spokesman James Jimenez sa isang interview sa radio.
Biyernes nang sabihin ni presidential at vice-presidential aspirants Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa Comelec na dapat irekonsidera ang Resolution 10732.
Sa resolusyon, ipinagbabawal ang mga aspirante na gumawa ng anumang gawaing may kinalaman sa pisikal na pakikipag-ugnayan sa panahon ng kampanya.
Gayunpaman, nangatuwiran sina Lacson at Sotto na ang pagbabawal ay “hindi praktikal” at “hindi pinag-isipang mabuti.”
Dagdag pa ni Sotto, hindi maaaring magpataw ang Comelec ng mga regulasyon sa kalusugan. Hindi rin nito maaaring ipagbawal ang mga aktibidad tulad ng mga selfie dahil bahagi ito ng Bill of Rights ng Konstitusyon.
“Sa tingin ko mali ‘yung ganong klaseng characterization kasi unang una, ‘yung implikasyon na sinasabi nila, na mali ‘yung paghaharang ng ganyan dahil nga violation ng right to free expression, tandaan natin na hindi lahat ng rights, absolute,” dagdag pa ni Jimenez
“‘Yung sa pagse-selfie, definitely ang itatanong mo diyan ay mas mahalaga ba ‘yung magpa-picture ka kaysa sa manatiling safe at walang sakit ‘yung mga taong nasa paligid mo?” giit ni Jimenez.
Ayon kay Jimenez, sa mga gustong mag report ng campaign violations ay maaring dumirekta sa Comelec.
Aniya, tutulungan sila ng poll body na mag-report nang ligtas, lalo na kapag natatakot sila sa paghihiganti ng isang politiko.
“Kung gusto mag-report, tutulungan namin na panatilihin ang kanilang anonymity, hindi natin ilalabas ang kanilang mga pangalan. Pero at some point, kung kailangan ng mag-file ng complaint, kailangan silang lumantad,” paliwanag pa ni Jimenez. (GENE ADSUARA)
-
Reklamo sa LTO, pwede na sa online
Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code. Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit […]
-
Latest vlog ni BEA, pinuri at pinusuan ng netizens dahil kay JESSICA; bagay na bigyan ng talk show o morning show
PINUSUAN ng netizens ang latest vlog ni Bea Alonzo na kung saan pinaunlakan siya ni Ms. Jessica Soho na mag-guest sa kanyang YouTube channel. May titutlo ito na: JAMMING WITH MS. JESSICA SOHO (QUICK AND EASY MANGO JAM RECIPE). Na may caption na, “Back with our weekly Saturday vlog! For this […]
-
Magpi-PBA hindi na daraan sa D-League
HINDI na magiging batayan ng mga papasok sa 37th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 ang paglalaro sa PBA Developmental League. “Tatanggalin na ‘yung application ng D-League,” pahayag kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Wala nang pre-requisite na D-League.” Kasunod ito sa paglalabas na rin ng professional hoops league ng applications para sa mga rookie hopeful, […]