Pangangaroling bawal sa Valenzuela
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAGBABAWAL muna sa sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling sa Valenzuela City simula Disyembre 1 hanggang Enero 2, 2021, alinsunod sa Ordinace No. 824 Series of 2002.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ito’y bilang bahagi pa rin ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19 habang pinapayagan naman aniya ang pangangaroling na electronic o digital.
Itinakda ang administrative penalty na P5,000 sa bawat paglabag o community service.
Para sa mga hindi susunod sa administrative penalty ay pagmumultahin ng P5,000 o pagkakakulong ng hindi lalagpas sa 30 araw o pareho depende sa desisyon ng korte.
Sa mga lalabag naman na 17 taong gulang pababa, kailangang sumailalim sa Intervention Program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Kung ang nahuling menor de edad ay hindi susunod sa intervention program, mananagot ang kanyang magulang sa ilalim ng Code of Parental Responsibility. (Richard Mesa)
-
Mental Health Emergency, pinadedeklara
BUNSOD na rin sa naiulat na pagtaas sa bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay, nanawagan ang Kabataan Party List kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng Mental Health Emergency. Nag-aalala rin ang partylist sa report ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na nasa total na 404 […]
-
Face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa NCR, suspendido na
Napagdesisyunan ng Association of Philippine Medical Colleges na suspendihin ang pagsasagawa ng face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa mga ospital na nasa National Capital Region (NCR). Ito’y kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang coronavirus diseases cases sa bansa. Sa isang abiso, inilahad nito na ipagpapatuloy virtually ang lahat ng learning […]
-
Dahil sa pag-viral sa sinagot sa ‘Family Feud’: MAVY, hindi pikon at sinakyan na lang ang pagkakamali
NILINAW ni Buboy Villar ang tungkol sa closeness nila ni Jelai Andres na inaakala ng marami na may malalim na silang relasyon. Malapit lang daw talaga si Buboy sa mga babae na tinuturing niyang katropa dahil magkasama sila sa trabaho tulad rin nila Faith da Silva sa ‘All Out Sunday’ at Lexi Gonzales sa ‘Running […]