Pangulong Duterte, pinangunahan ang presentasyon ng P1-K piso polymer banknote
- Published on April 8, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang presentasyon ng P1,000-piso polymer banknote, na nagtatampok sa Philippine eagle.
Sa isinagawang ceremonial program, personal at malapitang nakita ng Pangulo ang framed version ng 50 pirasong “uncut P1,000-piso plastic money”.
Ipinrisinta kasi nina Department of Finance (DOF) Carlos Dominguez III at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno kay Pangulong Duterte ang uncut P1,000-piso polymer banknotes.
Ayon sa BSP, ang P1,000-piso polymer banknotes ay naglalayong palakasin ang pagsisikap laban sa counterfeiting, safety concerns dahil sa Covid-19, at i-promote ang environmental sustainability.
Tampok sa plastic money ang complex security features gaya ng “sampaguita clear window, serial numbers, shadow thread, vertical clear window, metallic features, blue iridescent figure, polymer substrate, tactile dots, embossed print, flying eagle, and enhanced value panel.”
Sinasabing “less susceptible” ang polymer banknotes sa viral at bacterial transmission at maaaring i-sanitized “with less risk of being damaged.”
“They also have a smaller carbon footprint as their production requires less water, energy, and other resources. It can also be recycled into other useful forms such as compost bins, building components, furniture, and other household products,” ayon sa BSP.
“The new banknotes last 2.5 to five times longer than paper banknotes given their resistance to water, oil, dirt, and general wear-and-tear. The longer lifespan makes them more cost-effective in the long-run,” ayon pa rin sa BSP.
Ang harapan ng P1,000-piso polymer banknote ay nagtatampok sa Philippine eagle at sampaguita.
Nananatili namang hindi ginalaw ang reverse side o kabilang bahagi nito maliban sa “sampaguita, coat of arms of the Philippines, and BSP logo,” na makikita sa harapan.
Ang reverse side ng bagong P1,000-piso polymer banknote at kasalukuyang P1,000-piso paper banknote ay nagtatampok sa South Sea Pearl, Tubbataha Reefs Natural Park, at T’nalak weave design.
Samantala, ipalalabas naman ng BSP ang bagong banknote ‘in phases’ simula ngayong buwan.
Matatandaang, noong huling bahagi ng nakaraang taon, ang disenyo ng bagong plastic banknotes ay binatikos dahil sa pag-alis sa portraits ng tatlong Filipino World War II heroes na sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.
“The new PHP1,000-piso polymer banknote and the current PHP1,000-piso paper banknote will co-exist and can both be used for payments and transactions,” ayon sa BSP.
Ang kasalukuyang P1,000-piso paper banknotes ay gawa sa 80%cotton at 20% abaca.
“Currently, the PHP1,000 banknote is widely circulated in the country, comprising 30 percent of Philippine money in circulation,” ang pahayag ng BSP.
Sa pagitan ng 2022 at 2025, tinatayang may 500 milyon na P1,000 polymer banknotes, na nagkakahalaga ng P500 bilyong piso ang magsi-circulate o lalaganap.
Ginamit naman ng BSP ang Reserve Bank of Australia at ang wholly-owned subsidiary Note Printing Australia nito para sa paggawa ng polymer banknotes. (Daris Jose)
-
Sa ika-7 edisyon ng ‘The EDDYS’… Direk CARLO, pararangalan kasama ang limang movie icons
LIMANG movie icon at isang premyadong director-producer ang pararangalan sa gaganaping 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Tuloy na tuloy na ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice), sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City. Ang awards night ng The EDDYS […]
-
‘All Out Sundays’ nina Alden, waging-wagi pa rin sa ratings kahit nagsama-sama ang Kapamilya stars sa ‘ASAP’
WAGI pa rin ang Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sundays base sa resulta ng ratings na lang noong nakaraang Linggo. Nagsama-sama na rin ang mga sikat na Kapamilya sa nakaraang airing ng ASAP Natin ‘To kunsaan, unang beses din itong napanood sa TV5 na. Bukod pa rito, napapanood pa rin […]
-
Nasa office of the mayor, pero walang balak maging pulitiko… JAMES, ‘di lang aktor sa ‘Family Matters’ supervising producer din
MUKHANG mangangabog sa takilya ang ‘Family Matters’ ng CineKo Productions ngayong Pasko, sa pagsisimula nang taunang Metro Manila Film Festival Mula ito sa blockbuster tandem ng writer na si Mel del Rosario at direktor na si Nuel Nava na nasa likod din ng super mega-hit festival movie na ‘Miracle In Cell No. 7’ […]