Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist
- Published on August 17, 2022
- by @peoplesbalita
INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis.
Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba pang konsiderasyon.
Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, dagdag dagok ito sa mga mahihirap na umaasa lang sa de lata at noodles para maitawid ang gutom ng kanilang mga pamilya.
Wala aniyang ibang mapagpipilian na kakainin ang mahihirap dahil maging ang gulay ay napakamahal na.
Dapat aniyang kagyat na ipasa ang House Bill 409 ng Gabriela Partylist o ang panukalang P10,000 ayuda sa mga pamilyang lubhang apektado ng taas-presyo, kalamidad at pandemya lalo’t malawak ang kawalan ng trabaho.
Isusulong din ng mambabatas ang amyenda sa Price Act para pahigpitin ang price control sa mga batayang bilihin. (Ara Romero)
-
70M Filipinos, fully vaccinated bago matapos ang termino ni PDu30
SA loob ng 15 buwan matapos ilunsad ang National Vaccination Program, nakamit ng Philippine government ang target nito na gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa Covid-19. Sa pinakabagong report ng National Vaccination Operations Center “as of June 17”, may kabuuang 70,005,247 indibidwal, o 77.78% ng target population ang nakakumpleto na […]
-
State funeral para kay Queen Elizabeth II, gaganapin sa September 19
NAKATAKDANG isagawa ang state funeral para kay yumaong Queen Elizabeth II sa Setyembre 19 na gaganapin naman sa Westminster Abbey sa London, pasado alas-11:00 umaga, oras sa United Kingdom. Batay ito sa naging anunsyo ng Buckingham Palace kasabay ng pagkumpirma na dadalhin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang mga labi ng […]
-
500 Valenzuelanos nakatanggap ng tulong medical mula sa DSWD
UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater. Ang tulong medikal ay naging posible sa pamamagitan ng DSWD program Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Isang tulong para sa mga […]