• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO

Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines.

 

Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna para sa kanilang sariling mamamayan.

 

“Vaccine nationalism only helps the virus,” wika nito.

 

Aabot na umano sa 172 bansa ang kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa COVID-19 Vaccine Global Access Facility o COVAX Facility kung saan layunin nito na makapagbigay sa lahat ng bansa ng equitable access sa bakuna.

 

Ang pag-iinvest aniya sa COVAX Facility ay ang pinakamabilis na paraan upang tuldukan ang pandemic at siguraduhin ang sustainable economic recovery.

 

Inilunsad ito ng WHO katuwang ang Gavi, ang Vaccine Alliance, isang international group na kumikilos para i-promote ang vaccination sa mga developing countries.

 

Nakasaad sa website ng Gavi ang mga bansa na nagpakita na ng interes sa nasabing pasilidad, kasama na rito ang Japan, United Kingdom at Canada subalit hindi parte rito ang Estados Unidos at China.

Other News
  • Pagpunta ni MAX sa US, mas umugong ang balitang may problema sila ni PANCHO

    HABANG nagbabakasyon si Max Collins sa US, dumalo ito sa advanced screening ng Marvel film na Eternals in Los Angeles, California.     Pinost ni Max sa kanyang IG Stories ang pag-attend niya ng naturang screening sa El Capitan Theatre suot ay black leather dress at kasama niya sa red carpet ay ang model-turned-film director […]

  • Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office

    TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.     Sa isang kalatas, sinabi ng  SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.     “SSS assures the public that […]

  • Ads October 21, 2021