• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala na gawing mail at postal voting ang sistema ng halalan sa 2022, posible -Malakanyang

POSIBLENG idaan sa mail voting at postal voting lalo na sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s ang gagawing botohan para sa darating na 2022 national elections.

 

Sinabi ni presidential spokesper- son Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan kung saan ginagawa na rin aniya ng iba’t ibang mga bansa.

 

Hindi naman inaalis ni Sec. Roque ang posibilidad na baka maikunsidera sa kauna-unahang pagkakataon ang panukalang ito.

 

Iyon nga lamang, nakasalalay pa rin sa COMELEC ang pinal na desisyon at hindi ito panghi- himasukan ng Malakanyang.

 

Sa kabilang dako, hindi maaring maging opsyon ng gobyerno ang pagpapaliban ng eleksyon dahil lamang sa may kinakaharap ngayong krisis sa pangkalusugan.

 

Sa kanyang pagkakaalam, hangga’t hindi aniya inaamyen-dahan ng mga mambabatas ang 1987 constitution, mananatiling labag sa batas ang mungkahing temporary postponement ng eleksyon.

 

Inanunsyo na mismo ng Comelec, na sa halip ba ipagpaliban anh halalan ay mas mabuting ipatupad na lamang umano ang modified form of election dahil sa pamamagitan aniya nito ay magiging less o bahagyang mababawasan ang physical contact Ng bawat isa.

 

Sa ilalim aniya ng new normal, malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mga pagbabago sa voting system at mga ginagawang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2022 election.

Other News
  • 2 ONLINE SELLER ARESTADO SA P40K SHABU

    ARESTADO ang dalawang babaeng online seller na sideline umano ang pagtulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Jane Gellado, 38, ng Alupihan […]

  • MAG-ASAWA na BACKRIDING sa PRIVATELY USED MOTORCYCLE, PINAYAGAN NA

    Pero mga safety experts hindi pabor sa paglagay ng metal barrier sa pagitan ng rider at angkas na pasahero.   Magandang balita na sana para sa mga may family-use motorcycles dahil sa wakas ay pinayagan na ang angkasan ng mag-asawa – kung kasal o hindi ay dapat bang linawin sa guidelines. Pero may dagdag gastos […]

  • Dahil sa expired colored contact lenses: MARICAR, nabulag na kung hindi naagapan

    KALAT na kalat na sa buong Distrito Uno ng Tondo na tatakbong Kunsehal ang anak ng dating Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. Pero wala pa ring kumpirmasyon mula sa kampo ni Yorme. Ayon pa kay Joaquin nang makausap namin sa Iloilo kung saan ginanap ang seminar ng mga Barangay officials ng Maynila ay […]