PANUKALA ng NEDA na gawing polisiya ang 4 day work week
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
MALAKI ang posibilidad na malaman sa darating na Lunes, Marso 21 ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa naging panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 4 day work week at work from home set up.
Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag na naman kay Pangulong Duterte ang magiging benepisyo ng nasabing mungkahi kung saan layunin nitong makatipid sa oras, pagkain, pamasahe at iba pa ang mga manggagawa sa gitna ng pamahal na pamahal sa presyo ng mga prime commodities.
Ayon pa kay Andanar, lahat ng suhestiyon ay pinakikinggan ng Pangulo.
Bukas din aniya ang Chief Executive sa lahat ng rekomendasyon na manggagaling sa kanyang gabinete kabilang na ang economic team gayundin maging mula sa mga dalubhasa, mambabatas at mga ekonomista.
Aniya pa, nagsalita na rin naman si Pangulong Duterte na kung anuman ang magiging desisyon ng economic cluster ay iyon ang magiging polisiya ng pamahalaan gayung ito naman ang kanilang forte.
Matatandaang, inirekomenda ng economic team na huwag suspendihin ang excise tax na inaprubahan naman ng Punong Ehekutibo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Malaking responsibilidad na makatrabaho siya: DINGDONG, nakita ang passion sa trabaho ni RABIYA
HINDI man sentro sa romantic angle ang bagong primetime series na “Royal Blood” pero still, bagong tambalan nina Dingdong Dantes at Rabiya Mateo. Nakita naman daw ni Dingdong ang passion ni Rabiya sa kanyang trabaho. “She’s very, very interested sa ginagawa niya. Gusto niya ‘yong ginagawa niya and sa tingin ko, pinaka-mahalaga pa rin na […]
-
Alfred Molina to Reprise Role as Doc Ock in ‘Spider-Man: No Way Home’
IT’S confirmed, Alfred Molina, who played Doctor Otto Octavius in the 2004 Spider-Man 2 film is returning for the new Spider-Man film! In an interview with Variety, Molina shared that he will be back as the notorious villain in the upcoming MCU film, Spider-Man: No Way Home, which stars Tom Holland together with Zendaya and Jacob Batalon. […]
-
Director James Wan Reveals Official Title & New Logo: ‘Aquaman And The Lost Kingdom’
DIRECTOR James Wan revealed the official title for the upcoming Aquaman sequel is Aquaman and the Lost Kingdom. DC’s aquatic hero used to be an easy mark for jokes in pop culture, but that all changed once Jason Momoa was cast as Arthur Curry for the DC Extended Universe. His roles in Batman […]