Panukala sa binagong Wildlife Resources Conservation and Protection Act, aprubado na
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng House Committee on Natural Resources na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, ang draft substitute bill na naglalayong baguhin ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na tinalakay sa isang online na pagdinig.
Ang substitute bill ay para sa House Bill 265 na inihain ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, HB 3351 ni Pampanga Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo at HB 4860 ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.
Inaprubahan din ng komite ang mosyon para isama ang HB 1684 ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte at HB 3614 ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, sa inaprubahang draft substitute bill.
Ang dalawang huling panukala ay parehong naglalayon na isailalim sa regulasyon ang paghuli, pagbebenta, pagbili, pagtataglay, pagdadala, pag-aangkat at pagluluwas ng lahat ng pating, page at mga chimaeras.
Nagpahayag ng suporta si Rodriguez sa draft substitute bill na mabusising tinalakay ng TWG.
Bukod sa parusang pagkabilanggo ay pagmumultahin din ng P2-milyon ang sinumang mapapatunayang lumabag.
Sa kanyang paliwanag sa HB 4860, sinabi ni Rodriguez ang lubos na pangangailangan na matiyak na ang flora at fauna sa bansa, kabilang na ecosystem na kanilang tirahan ay protektado mula sa mga banta at panganib, pagkawasak ng habitat, sobrang pag-abuso, pangangaso, polusyon, pabago-bagong klima ng panahon, at culling.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources Biodiversity Management Bureau, ang bansa ay may 133 terrestail mammals, 230 birds, 244 reptiles, at 97 amphibian species na hindi makikita sa ibang bansa.
“Mayroon din tayong 120 uri ng isda na makikita lamang sa mga karagatan at look ng Pilipinas,” ani Rodriguez.
Sinabi ni Barzaga na ang inaprubahang draft substitute bill ay sakop din ang mga paksa na nakasaad sa HB 1684 at 3614.
Pinatunayan ni ASEAN Centre for Biodiversity Executive Director Dr. Theresa Mundita Lim, na ang mga species na binanggit sa mga panukala ay itinuturing na nanganganib na, at dapat lamang patawan ng sapat na parusa ang lalabag kapag ito ay naisama sa substitute bill.
Sumang-ayon naman si Atty. Theresa Tenazas, OIC ng DENR-BMB Wildlife Resources Division na ang mga ito ay kasama na sa inaprubahang substitute bill at kanya ring ipinahayag ang pasasalamat ng ahensya sa chairman at mga miyembro ng komite sa pag-apruba ng substitute bill at gawing prayoridad ng ika-18 Kongreso ang panukala. (ARA ROMERO)
-
McCullough ramdam na may sumabote sa kanya
MAY pinatatamaan ang beterano ng National Basketball Association (NBA) player na si Chris McCullough sa tweet tungkol sa naturalization niya nito lang isang araw. Ipinahayag ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup import ng champion San Miguel Beer, na may umipit sa proseso ng kanyang pagiging naturalized player para sa Gilas Pilipinas. […]
-
Holmqvist at Enriquez patatalimin ng Ginebra
MAAARING wala sa hinagap ng mga kalaban ang unang dalawang biningwit ng Barangay Ginebra San Miguel sa virtual 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 nitong Marso 14 sa TV5 studio sa Mandaluyong. Kinalabit ng Gin Kings sa paggamit ng 12th pick sa first round ang si 6-foot-8 center na Ken Holmqvist. Isinunod pagkaraan […]
-
SONA NI PBBM, NAKATUON SA EKONOMIYA
EKSAKTONG alas-3:33 ng hapon nang dumating sa Batasang Pambansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang unang State Of the Nation Addres (SONA) kahapon, July 25. Dumiretso ang Pangulo sa Executive Lounge ng Kongreso kasama ang kanyang may bahay na si Lisa at Executive Secretary Vic Rodriqguez, mga senador at iba pa. […]