Panukalang 15-day paid ‘family, medical leave’ inihain sa Senado
- Published on July 8, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAIN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang isang panukalang batas na siyang layong bigyan ang bawat ng empleyado ng 15 araw para alagaan ang mga kamag-anak na may sakit o kaya naman ang sarili.
Isinusulong ng Senate Bill No. 24 o “Family and Medical Leave Act of 2022” ang “15 days of paid leave” para sa bawat manggagawa — anuman ang kanyang employment status — na may asawa, magulang, o hindi pa ikinakasal na anak na nakararanas ng malubhang karamdaman.
Mungkahi rin ng panukalang bigyan ng parehong bilang ng araw ang mga empleyadong may malalang sakit.
“Hindi natin masasabi kung kailan magkakasakit ang sinuman sa pamilya natin. Kadalasan ito’y biglaan at hindi inaasahan, kung kaya’t binubutas nito ang bulsa at sinasaid ang ipon ng mga Pilipino,” ani Revilla sa isang pahayag, Huwebes.
“[K]ung maisasabatas ang Family and Medical Leave Act, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga kababayan natin para alagaan ang kanilang kapamilya ng hindi nag-aalala na mawalan sila ng sweldo at trabaho.”
Anang senador, madalas kasing nauubos ang pera ng mga Pilipino kapag may nagkakasakit sa pamilya. Sa tuwing nagkakaroon ng sakit ang mga empleyado o kanilang mga kapamilya, madalas ding nauubos ang kanilang sick leave o vacation leaves.
Upang makwalipika sa naturang benepisyo, kailangan lang na may 12 months of rendered work ang empleyado at nakapagtrabaho na nang 1,250 oras.
Ani Revilla, hindi maaaring ipagkibit-balikat na lang ng mga Pilipino ang pamilya nila sa oras ng pangangailangan..
“[W]e know how much love and care Filipinos have for their families, and the sacrifices they would be willing to do in order to be by the side of their sick family members. We cannot abandon them in their time of need,” wika niya.
“[W]e should provide them with succor especially because having a sick family member causes not only emotional stress, but inevitably a dent in their savings,” giit pa niya. (Daris Jose)
-
2 huli sa cara y cruz, shabu ang taya
DALAWANG binata ang arestado matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police habang nagsusugal ng cara y cruz at shabu umano ang taya sa Navotas City. Kinilala ni Navotas Maritime Police Station (MARPSTA) Ma- jor Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Sherwin Tiu, 27, Stevedore at Ariel Corona, 18, stevedore, kapwa ng […]
-
Reklamo sa LTO, pwede na sa online
Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code. Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit […]
-
PBBM, nanawagan sa PAGCOR na ituloy ang commitment nito sa paglaban sa illicit activity
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na panatilihin ang commitment nito na labanan ang illicit activities at tiyakin ang “responsible practices” sa loob ng gaming industry, habang pinapanatili ang “social relevance.” “Let this anniversary therefore be a call to the future—a future where PAGCOR is […]