Panukalang amyenda sa data privacy act, pasado sa Komite
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang substitute bill sa House Bills 1188 at 5612, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012.”
Layon ng panukala na tugunan ang hamon sa data privacy, usapin sa cross-border data processing sa bansa at paunlarin ang proteksyon ng mga indibiduwal na personal na impormasyon sa sistema ng impormasyon at komunikasyon sa pamahalaan at pribadong sector.
Ito ay sa pamamagitan ng mas mabigat na mga probisyon, na magbibigay ng katuwiran sa lahat ng umiiral na patakaran at alituntunin, kabilang na ang pagtatatag ng mas epektibo at sapat na iskema sa data privacy.
Tinalakay ni Privacy Policy Office OIC-Director Atty. Ivy Grace Villasoto ng National Privacy Commission, ang nakatakdang usapin na tinalakay at inaprubahan ng technical working group sa substitute bill.
Sinabi ni Villasoto na inamyendahan ng TWG ang mga probisyon sa usapin ng pagpaparusa upang ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga lumalabag ay iiwanan sa diskresyon ng kinauukulang hukuman.
Idinagdag niya na ang pamantayan sa nasa batas na proseso ng mga personal na impormasyon, na nakasaad sa panukala ay 1) pahintulot mula sa data subject, 2) kinakailangan sa layuning medikal, 3) kinakailangan sa pampublikong kapakanan sa mga pampublikong kalusugan at makataong kagipitan, at iba pa. Samantala, binuo ng Komite ang isang technical working group (TWG) upang palawigin ang pagtalakay at pahusayin ang mga probisyon ng HB 299, na naglalayong magpatupad ng mga polisiya para mapahusay ang epektibo at malinaw na paraan sa pamamahagi, at pagtatalaga, gayundin ang pamamahala ng mga radio frequency spectrums.
Samantala, inaprubahan ng House Committee on Trade nd Industry ang substitute bill na magpapalakas sa “Consumer Act of the Philippines.”
Ilan sa mga probisyon ng RA 7394 na isinabatas noong 1992, ay luma na at hindi na nakakatulong sa mga konsyumer.
Binuo rin ng komite ang isang technical working group (TWG) upang pagsamahin ang HB 8062 at HB 1597 na naglalayong amyendahan ang RA 8293 o ang “Intellectual Property Code of the Philippines.” (ARA ROMERO)
-
TRO hinain ng PISTON sa SC
NOONG nakaraang Miyerkules ay naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang grupong PISTON upang humingi ng temporary restraining order (TRO) laban sa consolidation ng prangkisa na siyang kailangan sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Sa kanilang petisyon ay kanilang sinabi na ang mandatory consolidation ay isang […]
-
41 close contacts ng ‘Indian variant’ cases, mino-monitor na: DOH
Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon ng 41 pasahero na “close contacts” ng dalawang Pilipinong nag-positibo sa B.1.617 o “Indian variant” ng COVID-19 virus. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroong anim na close contacts ang unang kaso na galing Oman. Habang 35 ang close contacts ng ikalawang kaso […]
-
Pagpapa-sexy, ‘di big deal sa asawang si Norman: BEAUTY, happy na sa anak na si OLIVIA at sa aso nilang si Pepito
MARAMING napahanga at napanganga sa sexy photos ng talented Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na kung saan naka-two-piece siya. At bilang isang wellness enthusiast, mahalaga para kay Beauty na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon siya ng balanseng buhay bilang isang aktres, asawa, at ina kaya naman bagay na bagay ang karapat-dapat […]