Panukalang Bayanihan III, pag-iisahin sa TWG
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Binuo ng House Committee on Economic Affairs ang isang technical working group (TWG) para pag-isahin ang dalawang panukala na naglalayong madaliin ang pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ang House Bill 8031 o ang “Bayanihan to Arise as One Act” at ang HB 8059 o ang “Bayanihan to Rebuild as One Act”, ay parehong naglalayong isailalim ng isang mekanismo ang pamamaraan upang mapabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa at socio-economic relief.
Ang HB 8031 ay iniakda ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na nagsabing kailangang palakasin ng pamahalaan ang paggasta upang maiangat ang ekonomiya ng bansa.
“Kailangan pa natin ng mas maraming economic stimulus, subalit dahil hindi pinapayagan ng ating Saligang Batas ang pagdaragdag ng pondo sa panukalang badyet, kailangan nating humanap ng karagdagang pondo para sa muling pagmumungkahi ng panibagong economic stimulus,” ani Quimbo.
Sa ilalim ng kanyang panukala ay hinihiling niya na maglaan ng karagdagang P400-bilyon. Sa kabuuang halaga, ang P330-bilyon nito ay ilalaan sa pagtugon sa COVID-19 at P70-bilyon naman ay para sa pagtugon sa mga kalamidad
Samantala, ang isa sa mga may akda ng HB 8059 na si Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ay iginiit ang pangangailangan na matiyak na may sapat na pondo para sa pagbili ng bakuna.
“Ang pangkalahatang direktang pamamaraan ay pabilisin ang pagbili ng bakuna. Siguraduhin na ngayon at gastusan na ‘yan,” aniya.
Idinagdag ni Salceda na dapat na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa typhoon relief at pasiglahin ang pautang para sa paglago ng ekonomiya.
“Hindi na maiiwasan ang pangangailangan na magbigay tayo ng ayuda sa mga kabahayan at kabuhayan, at magtatag ng pundasyon para sa isang matagalang programa sa pag-ahon at paglago ng ekonomiya,” dagdag pa niya.
Kasama sa mga naghain ng HB 8059 ay sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin. (ARA ROMERO)
-
Flattered na tawagin na bagong ‘Horror Queen’ BEAUTY, willing na i-donate ang sinuot na antique necklace sa National Museum
MINSAN nang naintriga si Beauty Gonzalez dahil sa sinuot niyang antique necklace. Pero sa mediacon ng ‘Kampon,’ sinabi ni Beauty na willing siya na i-donate sa National Museum ang mga gold jewelry na isinuot niya sa GMA Gala 2023 na naging kontrobersyal. Sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry ang ‘Kampon’ kung saan ay […]
-
Russian gymnast pinatawan ng 1-year ban dahil sa pagsuporta sa paglusob sa Ukraine
PINATAWAN ng isang taon na ban si Russian gymnast Ivan Kuliak. Ito ay dahil sa paglalagay niya ng simbolo sa uniporme ng panghihikayat ng giyera sa Ukraine. Inilagay kasi ng 20-anyos na si Kuliak ang letrang “Z” sa uniporme nito habang katabi si Ukrainian gymnast Illia Kovtun sa podium. […]
-
Ban sa marijuana alisin, parang kape lang – Durant
KUNG si Brooklyn Nets star Kevin Durant ang tatanungin, ang paghithit ng marijuana ay kaparehas lang ng pag-inom ng kape. Kaya naman dapat aniya ay tanggalin na ito sa banned substance list ng NBA, dahil hindi naman umano ito nakakasama sa kahit sino. “Everybody on my team drinks coffee every day. Taking caffeine […]