Panukalang Mandatory Immunization Program, pasado sa ikalawang pagbasa
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang “Mandatory Immunization Program Act,” na pangunahing iniakda nina Deputy Speaker Strike Revilla at Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan.
Layon ng panukala na ipawalang bisa ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011.
Sa ilalim ng panukala, ang sapilitang pagbabakuna ay isasama na ang mga bakuna na pipigil sa mga sakit para sa: 1) Tuberculosis, 2) Diphteria, 2) Tetanus and Pertussis, 3) Poliomyelitis, 4) Measles, 5) Mumps, 6) Rubella or German Measles, 7) Hepatitis-B, 8) H. Influenza Type B, (HIB), 9) Rotavirus, 10) Japanese Encephalitis, 11) Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV), 12) Human Papilloma Virus, 13) Booster for Measles, Rubella, Tetanus, Dipthteria, (MRTD) at iba pa base sa Kalihim ng Kalusugan.
Nakasaad din sa panukala na imamandato sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama ang mandatory immunization services sa kanilang benefit package, subalit sasailalim sa pagsusuri na naaayon sa Republic Act 11223 o “Universal Health Care Act.”
Samantala, inaprubahan din ng kamara sa huling pagbasa ang House Bill 8243, na naglalayong isulong at protektahan ang karapatan sa pantay-pantay at walang diskriminasyon batay sa lahi, ninuno at relihiyon.
Ang panukala ay pangunahing iniakda ni Magdalo Party-list Rep. Manuel Cabochan III, at ipinaliwanang na ang kahulugan ng diskriminasyon ay “anumang pagtatangi, pagbubukod, restriksyon o pagtatangi na ginawa batay sa kulay ng lahi, ninuno, pinanggalingan ng lahi, relihiyon o pagkakaugnay sa relihiyon o paniniwalang banal na may epekto o layunin na ipagkait ang pagkilala, pagtamasa o pagganap ng pantay na mga karapatang pantao at pangunahing kalayaan sa politika, ekonomiya, lipunan, kultura, pagiging mamamayan o anumang antas ng buhay publiko ng isang tao.”
Kapag ang panukala ay naisabatas, ang sinumang mapapatunayang lumabag sa mga probisyon nito ay mapaparusahan ng pagkabilanggo mula 30 araw hanggang 6 na buwan o magmumulta mula P10,000 hanggang P100,000, o pareho, depende sa hatol ng hukuman.
Samantala, sa kanyang paliwanag sa HB 55, isa sa mga batas na na-substitute ng HB 8243, sinabi ni Cabochan na ang mga “asal at mga kagagawan ng diskriminasyon laban sa isang tao ay hindi naiwawasto ng lehislasyon lamang, kahit pa maparusahan ang isang lumabag. Subalit ang kaparusahang ipinataw at ibinahagi ng Kongreso, ay bahagi ng kabuuang pagtugon upang masugpo ang diskriminasyon.”
Ang ilan pang mga panukala na pasado na sa huling pagbasa ay ang HB 6876, na nagmamandato ng pagtatatag ng fisherfolk resettlement areas; HB 8261, o ang “PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equality Act”; HB 8268, na nagtataas ng parusa sa kasong perjury; at HB 8385 o ang “Integrated Urban Agriculture Act of 2020.” (ARA ROMERO)
-
QCARES+ nagpasaklolo kay Joy Belmonte
Nanawagan ang Quezon City Advocates for Responsible Entertainment, Sports + Gaming and Wellness (QCARES+) kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na hilingin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang magpatuloy ang business operations ng mga miyembro nito sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na iiral sa Agosto 6. […]
-
Liza, suportado ng Star Magic sa kasong isinampa tungkol sa ‘rape jokes’
SUPORTADO ng Star Magic ang kasong isinampa ni Liza Soberano laban sa rating empleyado ng internet provider na nag-comment ng, ‘ang sarap ipa-rape’ sa Facebook page. Base sa official statement ng Star Magic. “ABS-CBN and Star Magic fully support Liza Soberano’s filing of a criminal complaint with the Office of the City Prosecutor […]
-
Ads August 2, 2024