Panukalang nagbabawal sa ‘no permit, no exam’ bill, ipasa agad
- Published on April 28, 2023
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang isang mambabatas sa kamara na bigyang prayoridad ang pagpasa sa panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy sa mga educational institutions.
Ayon kay Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar, batay sa lumabas na mga social media posts kung saan may ilang mga estudyante ang kailangang pumila hanggang hatinggabi para makakuha ng permit upang makapag- exams, kung kaya kailangang maipasa na ang panukala.
Sinabi ng mambabatas na hindi dapat mahadlangan ang mga estudyante na makakuha ng pagsusulit dahil hindi sila makabayad ng tuition at iba pang school fees sa araw ng kanilang examinations.
Hindi lamang aniya sa kolehiyo nangyayari ito ngayon kundi pati na rin sa elementary at high school.
Isa si Villar sa pangunahing awtor ng House Bill 7584 o An Act Allowing Elementary and Secondary Learners with Unpaid Tuition and Other School Fees to Take the Periodic and Final Examinations on Good Cause and Justifiable Grounds.
Paliwanag ng mambabatas na kapag naging ganap na batas ay makakatulong ito sa mga pamilya na dumaranas ng kagipitan kaya hindi makapagbayad ng tuition ng kanilang anak.
Sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 8 pagkatapos ng recess, umapela si Villar na maisama sa matatalakay agad ang panukala.
Nakapaloob sa panukala na ang mga private basic educational institutions ay magbubuo ng polisiya para mabigyan ang mga estudyante na dahil sa emergencies, force majeure, at iba pang justifiable reasons na hindi makapagbayad ay payagang makakuha ng kanilang scheduled periodic exams.
Gayunman, kailangang magsumite ang magulang o guardians ng promissory note para sa babayarang obligasyon. Ang alinmang deferment of payment ng unpaid balance ay hindi dapat lumagpas ng school year, maliban kung papayagan ito ng eskwelahan.
Naaprubahan na ang panukala sa ikalawang pagbasa bago pa man mag-break ng Marso.
Habang ang counterpart measure nitong Senate Bill 1359, ay naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa. (Daris Jose)
-
Plastic barrier sa PUVs, aalisin na – DOTr
Hindi na nire-require ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) bilang dibisyon ng mga pasahero. Ito’y matapos itaas na sa 70% seating capacity ang mga PUV. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for road transport Mark Steven Pastor, maaari nang […]
-
LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET). Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay […]
-
Jeepney operators at drivers binahagi ang mga hinaing sa consolidation
MULING nanawagan ang mga jeepney operators at drivers sa pamahalaan na lumahok at nagtayo ng kooperatiba para sa programa ng PUV Modernization na tanggalin at huwag ng ipatupad ang consolidation. Sa isang press conference na ginawa ng PISTON ay kanilang sinabi na ang mga operators na sumali sa consolidation ay nawalan ng […]