• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang pagbibigay ng P1M cash gift sa Pinoy centenarians, oks sa Kamara

MAGANDANG balita sa mga Filipino centenarians na umabot sa idad na 101 taong gulang dahil mabibiyayaan sila ng cash gifts bilang pagbibigay karangalan at suporta sa kanila.

 

 

Sa botong 257, inaprubahan ng kamara ang House Bill 7535 na nagsusulong na mabigyan ng P1 million ang mga Pinoy na umabot sa idad na 101 taon gulang o centenarians, na naninirahan sa Pilipinas o ibang bansa.

 

 

Gayundin, kapag naging ganap na batas ang mga Pilipino na umabot sa idad na 80 at 85 anyos (octogenarians) at 90 at 95 (nonagenarians) ay mabibigyan ng P25,000. Tatanggp din sila ng letter of felicitation mula sa President eng Pilipinas.

 

 

“With this legislation, the House of Representatives would like to honor our countrymen for their years of service to the country and for their discipline in ensuring that they live a long, healthy and fruitful life,” ani Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Ilan sa pangunahing awtor ng panukala ay sina Reps. Rodolfo Ordanes, Jude Acidre, Sonny Lagon, Daphne Lagon, Brian Yamsuan, PM Vargas, Toby Tiangco, Salvador Pleyto, Roy Loyola, LRay Villafuerte, Loreto Amante, Jam Baronda, Eric Yap, Edvic Yap, Paolo Duterte, Migs Nograles, Lani Mercado-Revilla, Gus Tambunting, at iba pa.

 

 

Nakapaloob pa sa panukala na ang National Commission of Senior Citizens ang siyang magpapatupad nito kapag ganap na naging batas.

 

 

Aamyendahan ng panukala ang Republic Act No. 10868 o Centenarians Act of 2016 na nagsasaad na ibigyan ng cash gifts ang lahat ng Pilipino na umabot sa 100 taong gulang pataas na P100,000.

 

 

Sa ginanap na pagdinig ng komite noong nakalipas na taon, ini-ulat ni dating Department of Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo na mayroong nasa 662 ang Filipino centenarians sa bansa. (Ara Romero)

Other News
  • ‘Zero casualty’ sa Eleksyon 2025, target ng gobyerno -Remulla

    TARGET ng gobyerno na magkaroon ng casualty-free elections sa 2025.   Sa katunayan ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ay inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na trabahuhin ang kaligtasan at seguridad ng mga kandidato at publiko para sa nalalapit na halalan sa bansa.   […]

  • Matapos na umani ng papuri sa ‘Linlang’: KAILA, masusubok naman ang galing sa historial film na ‘Pilak’

    UMANI ng papuri si Kaila Estada bilang isang mahusay na aktres sa online/TV series na ‘Linlang’, and this time, sa isang pelikula naman masusubok ang kanyang galing.     Sa historical film na kasalukuyang sinu-shoot ngayon na ‘Pilak’ ay unang beses na gaganap si Kaila sa isang dual role bilang babaeng nagpapanggap na lalaki.   […]

  • Nurse, 1 pa niratrat ng senglot na rider, dedbol

    DALAWANG katao, kabilang ang isang nurse ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang senglot na rider matapos sumemplang sa kanyang motorsiklo sa Caloocan City.     Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas “Mark”, 38, ng Merry Homes Subdivision, Brgy.172, Urduja at obrerong si alyas “Willy”, 39, ng Brgy 173 Congress, matapos silang pagbabarilin ng security officer […]