• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang pagsasama ng kasaysayan ng WWII sa higher education curriculum, aprubado

INAPRUBAHAN  ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Rep. Mark Go (Baguio City) ang pinagsama-samang panukalang batas para sa pagsasama ng history subject sa higher education institutions (HEIs) ang kasaysayan ng ikalawang Pandaigdigang Digmaan.

 

 

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Pasig City Rep. Roman Romulo, awtor ng House Bill 933 na magkakaroon na rin ng istorya ukol sa naging kagitingan ng mga sundalo at mamamayang Pilipino sa nagdaang WWII.

 

 

Ayon sa mambabatas, kakaunti pa lamang ang nilalaman ng history curriculum sa ngayon sa mga naging kaganapan at kagitingan ng mga Pinoy noong panahon ng giyera.

 

 

“But when we talk or sit down with our Veterans Affairs Committee, there are many stories there being told by Philippine Veterans Affairs Office Administrator Ernesto Carolina, maraming events during World War II na kung saan ang bida ay Filipino. Karamihan po diyan kahit nangyari dito sa Pilipinas, ang main characters ay mga dayuhan,” ani Romulo.

 

 

Inaprubahan din ng komite ang committee report na kinabibilangan ng isa pang panukalang batas na HB 4157 na inihain naman ni Rep. Harris Christopher Ongchuan (Northern Samar).

 

 

Samantala, ipinagpaliban muna ng komite ang pagdinig sa HB 1724 para sa mandatoryo o compulsory teaching ng ethics subjects sa Philippine tertiary education.

 

 

Ito ay habang hinihintay pa ang pagsusumite ng final evaluation/assessment ng Commission on Higher Education (CHED) ukol sa implementation ng ethics subjects sa higher education.

 

 

Sinabi naman ni CHED Chairman Prospero de Vega na mayroong ng 3 unit course sa ethics subject sa general education program.

 

 

Gayundin, ipinagpaliban din muna ang deliberasyon ng komite sa HB 4350 na inihain ni Rep. Jonathan Clement Abalos II (Party-list, 4PS) na nagsusulong sa pagsama ng foreign language maliban sa English, bilang elective course sa higher education curriculum. (Ara Romero)

Other News
  • DAHIL SA SELOS, LALAKI, KINATAY ANG LIVE-IN PARTNER

    DAHIL sa selos at pagtangging muling magkabalikan, pinatay ang  isang 31-anyos na dalaga habang inoobserbahan ang kasama nito sa bahay  nang pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner saka rin ito nagsaksak sa sarili sa Imus City, Cavite Huwebes ng hapon,     Kinilala ang biktima na si Janna Harodin Jama ng Ramirez Compound Brgy. Buhay […]

  • 4 NA INDIBIDWAL, INARESTO SA ANTI-KFR AT GUNRUNNING OPERATION

    NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal na bahagi ng sindikato na responsible sa kidnap for ransom at pagpatay sa mga Chinese national.     Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor  ang naaresto na Chinese national na sina Li Tao Tao at Huang Bao Jian na naaresto […]

  • Kyle Kuzma: SEASON HIGH 40 POINTS

    Pinalamig ng New York Knicks ang katunggaling Washington Wizards sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw.   Pinangunahan ng Knicks 26 year old point guard player na si Jalen Brunson ang kanyang team matapos nitong magpaulan ng 34 points , 8 rebounds at 8 assist.   Ito ang ika dalawampu’t apat na panalo ng […]