• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang taasan ang bayad sa mga guro, poll workers para sa 2025 elections, suportado ni Pimentel

SUPORTADO ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang panukalang taasan ang bayad sa mga guro at poll workers para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.

 

 

Ipinanawagan din ni Pimentel na dapat exempted sa buwis ang election-related benefits at allowances ng mga guro at magsisilbing bantay sa 2025 midterm elections.

 

 

Aniya, napakahalaga ng gampanin ng mga guro sa pagtiyak ng malinis, maayos at matiwasay na halalan sa 2025.

 

 

Sa mga ‘hot spots’ na lugar sa bansa aniya ay hindi maiwasang malagay sa panganib ang kaligtasan at buhay ng mga guro at poll workers.

 

 

Giit pa ng senador, hindi dapat ipagkait ang kakarampot na benepisyong ito at itodo na ang honoraria na karapat-dapat sa mga guro at iba pang poll workers.

 

 

Kinatigan ni Pimentel ang panukala ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na taasan ang honoraria, allowance, at legal na proteksyon para sa mga gurong nagsisilbing miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI).

 

 

Dapat balikan ng Kongreso aniya panukalang budget para sa honoraria ng mga guro at poll workers sa 2025 proposed national budget. ( Daris Jose)

Other News
  • Pangako ni Abalos, ‘no sacred cows’ sa mas pinalakas na anti-drug drive

    TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na walang exempted mula sa ginagawang paglalansag ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.     Sa katunayan, ipinag-utos ni Abalos sa mga  law enforcers  na maging “role models” sa kampanya na  puksain ang panganib  dala ng ipinagbabawal na gamot.   […]

  • JULIE ANNE, dream come true na makita ang billboard ads sa Times Square; kasama ang ‘Free’ sa EQUAL Playlist ng Spotify

    INAMIN ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na dream come true sa kanya na makita ang billboard ads niya sa pamosong Times Square sa New York City.     At nangyari na nga ito dahil sa EQUAL Playlist ng Spotify.     Pinost niya sa kanyang Instagram ang photos at may caption na, […]

  • Number coding posibleng ibalik na – MMDA

    May posibilidad na maibalik na ang ‘number coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) dahil sa pagsikip na ng trapiko sa halos lahat ng kalsada sa Metro Manila ngayong palapit na ang Pasko at pagsailalim ng rehiyon sa mas maluwag na Alert Level 2.     Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pinag-aaralan […]