Panuntunan ukol sa doble o sobrang ayuda na natanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinababatid ng DSWD na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na muling nakatanggap ng ayuda ng Social Amelioration Program mula sa pondo ng DSWD sa pamamagitan ng pamahalang lokal ay magkakaroon ng pagbabago o adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay kabilang rin sa benepisyaryo ng Social Amelioration Program o SAP at sila ay nakatanggap na ng ayuda na nagkakahalaga ng P3,650 hanggang P6,650 na karagdagang halaga base sa iminungkahing halaga ng minimum wage para sa bawat rehiyon ng bansa.
Halimbawa, sa regular na programa ng 4Ps, ang bawat pamilyang benepisyaryo ay regular na nakatatanggap ng halagang P1,350 kada buwan. Sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic, kung ang pamilya ay mula sa NCR, ang ayudang matatanggap ng bawat pamilya ay P8,000 para sa isang buwan, ngunit kung ang pamilya ay benepisyaryo ng 4Ps, sila ay tatanggap lamang ng P6,650 na karagdagang halaga sa isang buwan mula sa kanilang buwanang ayuda na P1,350.
Kung sakaling nakakuha ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng ayuda mula sa pamahalaang lokal ay ibabawas sa halagang nakukuha nila buwan-buwan mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.
Gayundin, kung sakaling nakatanggap rin ang benepisyaryo ng 4Ps ng ayuda mula sa programa ng iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program) o sa programa ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program ng Social Security System (SSS), kailangan nilang isauli ang ayudang mula sa DSWD o kaya naman ay magkakaroon din ng pagsasaayos o ibabawas din sa grants na mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.
Bagamat patuloy pa rin ang ginagawang balidasyon sa mga nakatanggap ng first tranche ay sinimulan na rin ang pamimigay ng pangalawang bugso ng ayuda. Partikular ito sa mga 4Ps sa mula lugar na kabilang sa naitalagang bibigyan ng second tranche base sa kasulatan galing sa tanggapan ng pangulo.
-
ValTrace App inilunsad sa Valenzuela
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form at mangamba sa paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19 sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang inyong unique QR code mula sa ValTrace App. Maaari nang […]
-
MARIAN, successful ang launch ng sariling clothing line; new collection sold-out agad pagkalipas ng ilang oras
OUR congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa successful launch ng sariling clothing line, under her Flora Vida lifestyle brand. Sold-out kasi agad ito in just hours since its release. Ang new collection ni Marian ay bumubuo ng easy-to-wear pieces for lounging or day-to-day activities. Each design costs P10,000.00. Kaya […]
-
Matapos ang earthquake drill, asahan ang fire drill sa Malacañang, Complex
NAKATAKDANG ikasa rin sa mga susunod na araw at pagkakataon ang fire drill sa mga gusali sa Malacañang, Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon . Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang, Complex, itatakda nila […]