• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para kay PBBM “best way to drum up business”: Formula 1 racing

PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang “best way” para mag-drum up ng negosyo ay sa pamamagitan ng  Formula 1 racing.

 

 

Taliwas ito sa paniniwala ng iba ani Pangulong Marcos na ang “playing golf” ang “best way to drum up business.”

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo na makikita sa kanyang Facebook post ay bilang pagkumpirma na rin sa sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles  na nagpunta siya sa  Singapore nitong weekend.

 

 

Nauna rito, binanggit ni Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng  sa  Facebook na si Pangulong  Marcos ay isa sa mga heads of state  na nakapulong niya sa sidelines ng Singapore Grand Prix.

 

 

“They say that playing golf is the best way to drum up business, but I say it’s Formula 1. What a productive weekend!” ayon sa Pangulo.

 

 

“It was fulfilling to have been invited alongside several dignitaries and to have met new business friends who showed that they are ready and willing to invest in the Philippines. Will be sharing more details on,” wika pa nito.

 

 

Sa Facebook post ng Singaporean minister , sinabi nito na: “Happy to meet various Heads of States, Ministers and foreign dignitaries (including Bongbong Marcos, President Surangel Whipps Jr., Cambodia’s Minister attached to the Prime Minister and Managing Director of Electricite Du Cambodge (EDC), Keo Rottanak, Cambodia’s Minister of Commerce, Pan Sorasak, Advisor to the Royal Court, Kingdom of Saudi Arabia, Dr. Fahad Bin Abdullah Toonsi) to affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race.”

 

 

Ang Singapore Grand Prix  ay idinaos sa  Marina Bay Street Circuit mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 2.

 

 

Ang  Mexican driver Sergio Perez ng Red Bull Racing ang nanalo sa  karera. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • 4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust

    APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.     Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na […]

  • Labor issues na binanggit ng sekyu na hostage taker, iimbestigahan ng DOLE

    IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor issues sa mall sa Greenhills San Juan.   Ito ay kasunod ng mga pahayag ng hostage taker na si Archie Paray na naglabas ng hinaing sa mga problema nilang security guards.   Iniutos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag-iinspeksyon sa mga mall […]

  • Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president

    Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments.   Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos […]