• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para maranasan ang ‘hospitality’ ng mga pinoy: mamamayan ng Czech, niligawan ni PBBM na bumisita sa Pinas,

NILIGAWAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Czech Republic na bisitahin ang Pilipinas at maranasan ang hospitality o kagandahang-loob ng mga filipino.
Sa kanyang bilateral meeting kasama si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, binanggit ni Pangulong Marcos ang regional airports na na-develop at upgraded para itaas ang accessibility sa mga local tourist destinations.
“Hopefully, we will see more of your citizens coming to the Philippines. And I can see that this is an area that will continue to increase for us. it’s very happy to welcome friends, come, visit the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.
”We take pride in the Filipino hospitality, and we take pride in our beautiful country, as in, of course, you do. But that’s why I think that this is a third time, an area of third time
 development,” dagdag na wika ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang sektor ng turismo bilang malaking bahagi sa muling pagbuhay sa ekonomiya matapos ang COVID-19 pandemic.
Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na ang Czech Republic ay naging mahalaga ring tourist destination para sa mga Filipino.
Maliban sa pinalakas na “people-to-people exchanges”, nanawagan si Pangulong Marcos sa mga kompanya ng Czech na magpartisipa sa infrastructure development ng Pilipinas lalo na sa konstruksyon ng ‘gateways’ ng bansa. (Daris Jose)
Other News
  • Ads March 16, 2024

  • INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED)

    INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED) na maging alerto upang agarang tumugon sa pangangailangan ng mga Batang Kankalo sa […]

  • Cool Smashers balik-ensayo agad para sa Asean Grand Prix

    BALIK-ENSAYO  agad ang Creamline Cool Smashers para paghandaan ang sunod na pagsabak nito sa Asean Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.     Galing ang Cool Smashers sa dalawang magkasunod na torneo.     Una na ang Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers. […]