• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para nakamit ang pagbabago at kaunlaran: PBBM, hinikayat ang mga bise-gobernador na tulungan ang administrasyong Marcos

HINIKAYAT ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bise-gobernador na makiisa at tulungan ang administrasyon para nakamit ang pagbabago at kaunlaran ng bansa.

 

 

Ang panawagan ng Pangulo ay inihayag nito sa  oath-taking ceremony ng mga opisyal ng League of Vice Governors of the Philippines (LGVP) sa President’s Hall ng Malakanyang.

 

 

Sa kanyang official Facebook page, kinilala ni Pangulong Marcos ang gampanin ng mga bise-gobernador bilang “agents of change.”

 

 

“Dalangin ko na ang bawat isa ay makikipagtulungan sa ating administrasyon upang makamit ang pagbabagong hangad natin para sa bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng LGVP para sa pangako ng mga ito na magiging tapat na public servants.

 

 

“Lubos ang ating pasasalamat sa mga bise gobernador na kasapi ng League of Vice Governors of the Philippines na nanumpang sila’y magiging tapat na lingkod-bayan sa mga mamamayan ng kanilang mga probinsya,” anito.

 

 

Ibinahagi naman ng Chief Executive ang ilang larawan na kuha sa idinaos na oath-taking ceremony.

 

 

Ang  LGVP ay kinabibilangan ng mga bise-gobernador ng 81 lalawigan sa buong bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • SSS, PhilHealth contribution tataas simula Enero 2023

    MAGKAKAROON  ng pagtaas sa kontri­busyon ng mga miyembro sa PhilHealth at Social Security System (SSS) simula Enero 2023.     Umaabot sa 1 percent ang taas sa kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit ng mga emple­yado na P30,000. Ang taas ay aakuin ng mga employer alinsunod sa SSS Law.     Inihalimbawa […]

  • Laurel, binalasa ang liderato ng DA

    ISANG malawakang balasahan ang ikinasa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa liderato ng Department of Agriculture (DA).     Sa isang kalatas, sinabi ng DA na ang reshuffling o pagbalasa sa mga ‘key management positions’ sa loob ng departamento ay “meant to more efficiently carry out President Ferdinand Marcos Jr.’s marching orders to […]

  • Isinugod sa ospital dahil ilang araw ng maysakit: RURU, kinilig nang husto sa labis na pag-aalaga ni BIANCA

    ISINUGOD sa ospital pagkatapos na mag-taping para sa teleseryeng ‘Black Rider’.   Base sa kanyang Instagram post, “Last night, kinailangan kong dumiretso sa E.R. from taping… dahil ilang araw na akong may trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita.   “Sinabihan ng Doctor na kailangan daw ng maayos na pahinga para sa mabilis na recovery. […]