• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para personal na makapagpasalamat sa naitulong… ROBIN, nangakong dadalawin si KRIS kasama si MARIEL ‘pag nagka-visa na

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Senator-elect Robin Padilla sa kanyang kaibigan na si Queen of All Media Kris Aquino na patuloy na nakikipaglaban sa malubha nitong karamdaman.

 

Sa Facebook post ng Senador, ini-reveal na malaki raw ang naibigay na tulong at suporta ng dating leading lady sa pelikula sa nagdaang May 9 national elections.

 

Isa ngang mahabang mensahe ang pinost ni Robin para kay Kris na punum-puno ng emosyon:

 

“Bismillah,

“Friends in Love.

“Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

“Literal ba ito?

“In love ka sa Kaibigan mo literally?

“Baliw ka sa Kaibigan mo?

“Hinahanap hanap mo siya?

“Physical Attraction ba?

“Sexual ba?

“Ano nga ba?

“Isa lang ang alam ko…

“Hindi man kayo nagkikita…

“Nag aaway man kayo…

“Hindi man kayo nagpapansinan…

“Pero pag naramdaman mo na Kailangan ng Kaibigan ng Kaibigan mo…

“No sorrys.

“No explanations.

“No dramas.

“No flashbacks.

“Just Love.

“Love that doesn’t require reciprocity.”

 

 

Kuwento pa ni Robin, “Nong nalaman namin ni Mariel na may sakit si ms Kris Aquino, hindi na kami bumitaw sa kanya at ganon din si ms Kris Aquino.

 

“Pinagluluto ni Mariel (Rodriguez) si Kris ng pagkain at kahit hirap si Kris sa intake ng solid na pagkain she makes sure na well appreciated ng buong pamilya niya si Mariel.

 

 

“We became more closer than ever tumaas pa ang Antas ng aming mga pinag uusapan at pinagdidiskusyunan.

 

 

“Mas minulat pa namin ang isat isa sa realidad pulitika at buhay.”

 

Sa pagpapatuloy niya, sumentro naman ito tungkol sa naitulong ni Kris para madagdagan ang kanyang boto, “Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit napakataas ng boto ko at kung paano ako nag number one.

 

 

“Walang nakakaalam na may boto rin ako galing sa kampo ng mga Aquino.

 

 

“Kalagitnaan ng campaign period nag-aalala si Kris sa survey ko kinausap niya ako kung ano ang campaign strategy ko, sabi ko conventional lang ako dahil wala naman ako pera.

 

 

“Ang alas ko lang talaga ay si PRRD, SBG at si Inday Sara Duterte, endorsement lang ng tatlong ito umiikot ang aking pag-asa na manalo at siempre ang tulong ng taongbayan.

 

 

“Sabi ni Kris tutulungan niya ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya.

 

 

“Tinawagan niya mga matitinding Governor, LGU officials at mga matataas na tao na may paggalang at malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino.

 

 

“Hindi kailanman naging isyu sa kanya na Uniteam ako, nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot lang niya ito ng, ‘basta pls help robin for me.’

 

 

“Ngayon ay malinawan na rin ng mga naninira at inggit kung bakit ako nakakuha ng napakataas na boto.

 

 

“Bukod sa mine vote ni Mariel, Royal lumad/Indigenous vote, Muslim vote, Marcos loyalist vote, DDS vote, Katoliko vote, Kingdom of Jesus Christ vote, El Shaddai vote at Iglesia ni Kristo vote, Kris Aquino delivered the Aquino Vote for me.”

 

 

Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ni Sen. Robin at may binitiawang pangako, “Maraming Maraming salamat ms Kris Aquino. Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin.

 

 

“Hinding hindi kami makakalimot andito lang palagi kami ni Mariel para sa iyo at kapag ako’y nagka-visa sa US of A dadalawin ka namin at personal na magpasalamat sa iyo.

 

 

“Baraka Allahu Fik Allah Yashfeek,”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinay figure skater Sofia Frank nagtapos ng pang-22 sa 2022 World Junior Figure Skater

    NAGTAPOS sa pang-22 si Filipina skater Sofia Frank sa 2022 World Junior Figure Skater Championship na ginanap sa Estonia.     Umabot sa 53.86 points ang kabuuang natamo ng 16-anyos na skater.     SA kanyang kabuuang 43 competitors ay mayroong 137 points ang kaniyang natamo na naging pang-22 ang puwesto nito.     Nagwagi […]

  • MARAMING MGA TANONG at HAKA-HAKA ang TAUMBYAN TUNGKOL sa mga PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC)!

    NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP)  ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC na ito:   Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para raw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan […]

  • Contingency plan sa El Niño, gawin – Sen. Win

    NANAWAGAN si Sen. Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na gumawa ng mga contingency plan ngayong painit nang painit ang panahon para matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng El Niño phenomenon.     Ayon sa PAGASA, inaasahang mararanasan ng bansa ang rurok ng El Niño ngayong summer season.     […]