• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa ‘peace of mind’ ni Sarah: MATTEO, wish pa rin na one day maging okay na sila ng parents-in-law

SA naging interview ni Boy Abunda kay Matteo Guidicelli noong Lunes sa “Fast Talk with Boy Abunda”, isa sa napag-usapan ang relasyon ng TV host-actor sa kanyang mga in-laws na sina Divine at Delfin Geronimo.

 

 

After ng ‘fast talk’ questions, tinanong ni Tito Boy kay Matteo ng, “I even heard wild stories that you and Sarah drove one time to the village of Tatay Delfin and Mommy Divine.

 

“Hindi raw kayo pinapasok sa gate dahil may instructions na hindi kayo puwedeng pumasok doon sa bahay ng inyong in-laws?”

 

“Is that a true story and second the second question is, how is your relationship with your parents-in-law?”

 

“Unang-una Tito Boy, they are my mom and dad, my father-in-law, and my mother-in-law and I want to respect them in the best way possible,” may pabuntong-hiningang sagot ni Matteo.

 

 

“I just wish one day everything will be okay because I know how much they love Sarah and I know how much Sarah loves them, too.”

 

 

Follow-up ni Tito Boy, “Nasaan ngayon ang inyong relasyon? Are you guys talking? Are you doing conversations? Are you civil?”

 

 

“We’re civil I would like to believe Tito Boy,” sagot niya.

 

 

“And I pray every day for strength, wisdom, and humility na hopefully one day maging okay ang lahat for Sarah’s peace of mind.”

 

 

Muling tinanong ni Tito Boy si Matteo tungkol sa kuwentong nagpunta siya sa village pero hindi sila pinapasok ni Sarah.

 

 

“Nakalimutan ko na Tito Boy, e,” nakangiting tugon ni Matteo na tila umiiwas.

 

 

Kaya muling tinanong ito ng King of Talk kung may katotohanan ba ang tsikang lumabas.

 

 

“There’s several instances”, pag-amin ng aktor na soon ay mapapanood sa isang action-serye kasama si Ruru Madrid.

 

 

“But, you know, to speak about it in details, it’s best to keep it private parang respect to them ba? They’re my in-laws and I wish to love them, I wish to love them for Sarah’s sake. For the family’s sake.”

 

 

Sa paniniwala naman ni Matteo na nag-uusap pa rin sina Sarah at mga magulang nito.

 

 

“Yes, they have a connection naman and I think Sarah’s humility would always in love for her parents.

 

 

“Talagang she did a tribute for the dad and mom during the show. It was so touching. It was so beautiful. The whole Araneta was crying kumbaga. It was so nice.

 

 

“At the end of the day, It’s just so important to realize how much we should honor our parents through thick and thin, whatever happens in life, they are our parents, and they brought us to life and we have to honor them,” sabi pa ng aktor at bagong host ng “Unang Hirit.”

 

 

Say naman ni Tito Boy, “I totally agree, it is the only commandment na merong prize na ibibigay ang Diyos, if you honored your parents.”

 

 

Pahabol pa ng tv host, “do you talk to them?”

 

 

“No, Tito Boy,” mabilis na sagot ni Matteo.

 

 

Umaasa naman si Tito Boy at Matteo, na isang araw ay maayos din ang lahat ng gusot sa pagitan nila, at sabi nga, sa tamang panahon.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ

    PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan. Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR. Base sa inilatag na rekomendasyon ng […]

  • Landslide win ni Bongbong sa 2022 Presidential elections posible ayon sa isang online survey

    Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.       Nanguna si Marcos […]

  • ’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’

    Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.     Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya […]