• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para tugunan ang problema sa kuryente: PBBM, naghahanap ng bagong pagkukuhanan ng power supply

NAGHAHANAP ang gobyerno ng bagong pagkukuhanan ng power supply para tugunan ang problema sa enerhiya ng bansa.

 

 

Tanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ipinahayag ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na kulang  sa suplay ng kuryente ang Pilipinas.

 

 

“Tama naman ‘yung assessment na talagang kulang ang kuryente natin eh. So what else can we do? Find new sources. That’s what we’re trying to do. The situation with the renewables is also improving but we may have found some other technologies na hindi mag-antay ng lead time ng six, seven years,” ayon sa Pangulo.

 

 

Kaya nga aniya, bukas ang Pilipinas sa anumang klase o uri ng power supply na makatutugon sa problema sa enerhiya.

 

 

“So pinag-aaralan naming mabuti. When it comes to power, we’re open to everything. Kahit na ano na puwede nating makuha para makapag-addition sa power supply natin. Siyempre nandiyan pa rin lagi nating iniisip ‘yung kailangan parami na ‘yung renewables, pabawas na ‘yung fossil fuels,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na inaasahan na mamumuhunan sa Pilipinas ang NuScale Power Corp. ng Oregon ng Estados Unidos  ng  $6.5 billion hanggang $7.5 billion para makapagbigay ng 430MW sa bansa sa  2031 kasunod ng pakikipagpulong kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa naging pagbisita ng Pangulo sa Amerika, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang suporta ng NuScale ay makatutulong na matugunan ang nasabing problema.

 

 

“We need everything. We just have to have everything and this new technology is something,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang Malakanyang at matataas na opisyal ng Department of Energy na tugunan ang  “nationwide power crisis.” (Daris Jose)

Other News
  • Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson

    Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson.     Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA.     Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals […]

  • DILG sa mga LGUs:’Pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores’

    HINIMOK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari sari stores.     Ito ay kasunod s paglaganao ng mga pekeng gamot sa mga maliliit na retail stores.     Inatasan din ni Sec Año ang […]

  • Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide

    Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020.   Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo.   Iginiit ni […]