• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARKING ATTENDANT, PATAY SA SUV

NASAWI   ang isang parking attendant matapos mabangga ng isang SUV habang tumatawid sa kahabaan Taft Avenue sa  Maynila.

 

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical  Center ang biktimang si Jimmy Castro, 50, may live in partner  ng  694 TM Kalaw St, Ermita, Maynila.

 

Hawak naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang  driver ng  2016 Toyota Fortuner na kulay  Bronze  at may plakang  PN NCE 7061 na si  Dr. Apolinario Tablan Jr y Cortez, 67, may-asawa,  Eurologist ng B7 L7 Domenico St, Portofino Heights, Las Pinas City .

 

Sa inisyal na imbestigasyon  base sa testimonya at ibinahagi na dashcam ni Dr.Cortez, binabaybay nito ang kahabaan ng Taft Avenue northbound kanto ng Kalaw St., Ermita nang pagtawid sa intersection ng Kalaw  nang biglang patawid  naman ang biktima patungo sa Silangang bahagi ng Kalaw St., habang ang traffic light naman ay naka-green light pa o naka-Go.

 

Dahil dito, ang harapang bahagi ng SUV  ay nabangga ang tumatawid na biktima  dahilan naman para tumilapon pa ng ilang metro sa kalsada.

 

Agad namang naisugod ng Lapaz Makati Rescue  ang biktima sa naturang pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

 

Ang labi ni Castro ay dinala sa HPT Funeral Services para sa autopsy.

 

Habang si Dr.Cortez ay nanatili sa MPD-TEU para sa imbestigasyon at tamang disposisyon sa kaso. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Ads April 6, 2024

  • PSC nagpaumanhin sa pamilyang Eala

    KLINARO ng Philippine Sports Commission, (PSC) na nagka-misinformation sa P3M na pinansiyal na suporta para kay tennis teen star Alexandra ‘Alex’ Eala, kaya nagpa-erratum sa official Facebook page ang government sports agency nitong Linggo upang maitama ang kamalian.   Erratum: “PSC would like to correct previous posting made today of a P3-Mi assistance for Alex […]

  • DALAWANG WEEKEND SHUTDOWN ANG LRT

    DALAWANG weekend ngayon Abril na pansamantalang shutdown ang Light Rail Transit (LRT 1) para sa pagsasaayos ng kanilang linya at tren na sinimulan na noon pang Semana Santa.     Sa anunsyo ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, walang operasyon ang LRT line 1 sa April 17 hanggang 18, at April 24 hanggang 25, […]