PARTIDO NI BBM NAGLUNSAD NG ‘BEST BET’ STRATEGY PARA SA OFWs
- Published on November 2, 2021
- by @peoplesbalita
Nitong Martes, naglunsad ng isang pangmatagalang plano ang partido ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang mapagbuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga migranteng Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Iprinisenta ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) International Affairs Committee na pinamumunuan nila Chairperson Ms. Saidah Tabao Pukunum sa pamamagitan ni President Jeremy Henry Amar at Secretary-General Atty. Henry Capela ang Strategic Plan Vision 2028 for OFW kay PFP Secretary-General Tom Lantion at PFP General Counsel Atty. George Briones sa isang pagpupulong sa kanilang tanggapan sa Maynila.
Binuo ang komite upang isulong at kilalanin ang kontribusyon ng mga OFWs bilang mahalagang sektor sa lipunan at ipatupad ang mga programa ayon sa vision ng standard-bearer ng partido na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos’, Jr.
Nabatid ng komite na karamihan sa mga OFWs ay kadalasang nagtatrabaho sa mga lugar na hindi katanggap-tanggap ang kundisyon, dumaranas ng pagkabalisa dahil sa matagal na pagkawalay sa kanilang pamilya at napipilitang isakripisyo ang oras na dapat ay para sa kanilang pamilya upang kumita.
Plano ng komite na ipatupad ang isang policy framework na may tatlong bahagi at inaasahang bubuo at magdedevop ng mga programang magagamit sa loob ng anim na taon.
Nakapaloob sa framework na ito ang pagtalaga ng isang task force na magsasagawa ng mga pag-aaral upang makabuo ng mga policy recommendation sa gobyerno. Ito rin ay inaasahang susuri sa mga kasalakuyang polisiya upang mapahusay ang serbisyo sa mga OFWs.
Ilan sa mga core programs nito ay ang: skills retraining katuwang ang TESDA, comprehensive benefits and retirement plan para sa mga OFWs, pagtatayo ng isang OFW hospital, health insurance, scholarship grants para sa mga OFWs, legal, mental at psychological support services, pagbuo ng mga OFW cooperatives, pagtatayo ng OFW Bank at pagpapalakas sa mga community-based fellowship programs.
Pinuri ni PFP General Counsel Atty. George Briones ang binuong komprehensibong policy framework ng komite at sinabing naaayon ito sa mapagkaisang pamumuno na isinusulong ni Marcos.
Pinaalala rin niya sa mga miyembro ng komite na ang PFP ay maipagmamalaking partido ng pangkaraniwang tao. Dagdag pa niya ang PFP ang magdadala kay Marcos sa tagumpay sa paparating na halalan sa 2022.
“The PFP is a party of the common man. A party of the poor. A party of the grassroots. This is the party that will carry Senator Ferdinand Marcos Jr. to victory, “ sinabi ni Briones.
-
Nalaman ang sad news bago ang ‘renewal of vows’: HEART, maluwag na tinanggap ang pagkawala ng ‘baby girl’ sana nila ni Sen. CHIZ
SA interbyu ni Kuya Boy Abunda sa programang hosted by the King of Talk ay inamin ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang naramdamang kalungkutan dahil sa pagkawala ng anak nila ni Sen. Chiz Escudero. Itinuring na nga ni Heart na isang angel ang supposed to be panganay na anak nila. “Actually we are […]
-
Centaurus Omicron subvariant, nakapasok na sa Pinas
NANINIWALA ang mga eksperto na maaring nakapasok na sa bansa ang bagong BA.2.75 o Centaurus Omicron subvariant. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang inaasahan nilang posibleng peak o pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay hindi pa nangyayari at patuloy pa sa pagtaas ang mga kaso. […]
-
Ikatlong Navotas Commnuity Isolation Facility, binuksan
BINUKSAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pangatlong community isolation facility (CIF) na tuluyan ng mga residenteng may hinihinalang confirmed Coronavirus Disease 2019. Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang pagpapasinaya, kasama si COVID-19 testing czar Sec. Vince Dizon; DPWH Usec. Roberto Bernardo; MMDA gen- eral manager Jojo Garcia; at DOH- NCR Regional […]