• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Partylist solon sa Roque statement na natalo ng PH ang prediction ng UP sa COVID cases: ‘Di na siya nahiya’

Binatikos ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat ang aniya’y “napakainsensitibong” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinalo na ng Pilipinas ang COVID-19 prediction ng University of the Philippines (UP).

 

Hindi na aniya nahiya si Roque na buong galak pa nitong sinasambit ang naturang pahayag gayong ang Pilipinas ay pangatlo sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia, at pangalawa sa nakapagtala ng pinakamaraming casualty sa naturang sakit.

 

Makikita aniya sa ngayon na hirap nang lunukin ng administrasyon ang kapalpakan sa epektibong pagtugon sa pandemya halimbawa na lamang ang maraming backlog sa COVID-19 testing sa bansa.

 

“Lalong lumalala ang mga kaso dahil sa walang libreng mass testing at walang epektibong contact-tracing na ginagawa. Walang malawakang pagpapakilos sa mga manggagawang pangkalusugan,” ani Cullamat.

 

Kung pagbabasehan rin anya ang tracker ng Department of Health, hanggang noong June 28 ay nasa mahigit 46,000 na indibidwal ang positibo sa virus kung saan 36,438 ang validated.

Other News
  • Nasa float ng Sesame Street at kumanta with the cast: LEA, kasama sa Macy’s Thanksgiving Day Parade sa NYC

    IT’S true na nakasama pala sa Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York City last November 28 ang Filipino Broadway star na si Lea Salonga.   Nakasakay si Lea sa float ng Sesame Street at nag-perform ito ng song na “Sing” kasama ang cast at mga muppets ng show.   “No, it wasn’t a sunny […]

  • Pinuno ng National Academy of Sports, itinalaga

    HINIRANG bilang pinuno nang itinatayong Na- tional Academy of Sports (NAS) si grassroots sports program specialist at Philippine Sports Commission’s (PSC) Sports Physiology Unit head Prof. Josephine Joy Reyes.   Si Reyes, naging bahagi sa pagbuo ng Sports Mapping Ac- tion Research talent Identification (SMARTID) at nagsisilbi ng ha- los 27 years sa Medical Scientific […]

  • Perez, Tautuaa puntirya Tokyo Olympic Games

    PANANATILIHIN ng Philippine Basketball Association sina San Miguel Beer stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa at pro league aspirants sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang Gilas Pilipinas 3×3 national men’s team members.     Ito ay kahit na maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants sina Munzon at Pasaol, nabatid […]