Pasahe sa barko, gawing abot-kaya
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
KASALUKUYANG naghahanap ng paraan ang Department of Transportation (DOTr) para mabigyan ang mga pasaherong sumasakay ng barko ng “affordable price” para sa kanilang pasahe.
Sa Laging Handa public briefing, tinuran ni DOTr Secretary Jaime Bautista na base na rin ito sa naging kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing abot kaya ang pamasahe sa barko at siguraduhing kumportable at ligtas ang biyahe ng mga pasahero.
Sa kabilang dako, sinabi ni Bautista na nagbigay na siya ng direktiba para pag-aralan ng mga nangangasiwa sa pantalan ang charges na sinisingil ng mga kumpanya ng barko.
Ito’y sa harap ng posibilidad na baka uubrang magtapyas ng pasahe ang mga kumpanya ng barko sa halip na magpataw pa ng pagtaas alinsunod na rin sa gusto sanang mangyari ng Chief Executive.
Giit pa ng Kalihim, handa silang tumalima sa nasabing kautusan ni Pangulong Marcos at gagawin aniya nila ang lahat ng posibleng kaparaanan para maibigay ang mas mababang singil sa pasahe ng mga sumasakay ng barko. (Daris Jose)
-
Mataas na employment rate, patunay ng economic momentum
NANINIWALA ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon. Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending. Pinaka-positibo […]
-
Blackwater parurusahan ng PBA; iligal na nag-ensayo
Nabisuhan ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang management ng Blackwater upang magpaliwanag kaugnay sa sinabi sa interview ng may-ari ng team sa national television na sumabak na sa workout ang Elite noong nakaraang linggo. Sa sulat na pirmado ni Marcial na may petsang July 14 at naka-address kay team governor Silliman […]
-
Casimero haharapin si Rigondeaux sa Agosto
Itinakda na sa Agosto 14 ang laban ni John Riel Casimero kay Cuban veteran challenger Guillermo Rigondeaux. Gaganapin ito sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California. Nangyari ang desisyon matapos na umatras si Casimero sa laban niya kay Nonito Donaire dahil sa isyu ng Voluntary Anti-Doping Agency (VADA) sa panig […]